‘Cloud Campus,’ mas pinalawak

0
2260

PINAIGTING ng Educational Technology (EdTech) Center ang e-Learning at Cloud Services sa Unibersidad sa paglulunsad nila ng makabagong UST Cloud Campus Program.

Pinasinayaan ngayong taong akademiko 2018-2019 ang Cloud Campus bilang “rebranding” ng dating Electronic- Learning Access Program (E-LeAP), na ngayon ay maghahatid ng makabagong implementasiyon ng mga online learning na programa sa Unibersidad.

Lahat nga General Education subjects dito sa bagong programa ay naglalayong magkaroon ng 50 porsiyentong interaksiyong online at 50 porsiyentong ‘face to face’ na interaksiyon na hindi kagaya noon sa dating curriculum kung saan nakabase sa ‘academic freedom’ ng nagtuturo, wika ng katuwang na propesor na si Cherylle Ramos, direktor ng EdTech Center, sa isang panayam sa Varsitarian.

Naglalayon din ang programa na mapaigtig anginternational exchange programssa Unibersidad, kung saan magbibigay-daan ang “online component” sa higit pang oportunidad na makapag-aral sa mga katuwang na unibersidad ng UST sa ibang bansa.

Layunin din nito ang pagpapatuloy ng propesiyonal na edukasiyon sa pamamagitan ng mga web-based seminars o para sa mga nakapagtapos na ng undergraduate studies na gusto pa ring ipagpatuloy ang Thomasian education ngunit walang panahong dumalo sa face-to-face na klase.

Nabanggit rin ng Rektor ng Unibersidad na si P. Herminio Dagohoy, O.P. sa pagtitipon matapos ang Misa de Apertura ang kaniyang mithiin na maging digital campus ang Unibersidad, na isa rin sa mga layunin ng programang UST Cloud Campus.

Inaasahang magdudulot ng decongestion ang Cloud Campus sa mga kolehiyo, partikular sa Senior High School (SHS), kung saan dumagsa ang bilang ng mga estudiyante dulot ng programang K-12.

Positibo si Ramos na matutugunan ng mga training programs at mentoring sessions sa pangunguna ng mga e-Learning specialists sa bawat kolehiyo, ang potensiyal na banta ng resistance ng mga propesor.

Mangyari sana na sa loob ng tatlong taon, kapag full-blown na ang UST Cloud Campus, inaasahan naming na makakayanan nitong tumayo bilang ganap na panibagong campus ng Unibersidad. Magbibigay pa rin ito ng dekalidad ng edukasiyon na katulad lamang ng ini-aalok ng physical na campus, sabi ni Ramos sa wikang Ingles.

Ayon sa kaniya, magkakaroon din ng oriyentasiyon para mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga estudiyante ukol sa e-Learning at mga serbisyo nito.

Taong 2002 nagsimula ang malawakang implementasiyon ng e-Learning sa Unibersidad na ayon kay Ramos ay siyang nanguna sa bansa sa pagkamit ng massive and university-wide implementation.

Taong 2015 naman nang pasinayaan ang Cloud Hosting Service, taglay ang mahigit 2,300 na online course sites kada semestre, at 80 porsiyento ng mga guro ay nakapagtapos ng mga pagsasanay para sa programa.

Sa kasalukuyan, mayroong full scale Cloud-hosted eLearning, at full scale Asynchronous at Synchronous Instruction kung saan maaring magkaroon ng mga klase online, pareho mang naka-online (synchronous) o hindi (asynchronous) ang guro at estudiyante.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.