BUMALIK na sa normal na bilang ang populasyon ng mga mag-aaral sa Unibersidad matapos ang pagtanggap nito sa unang batch ng mga mag-aaral na nakapagtapos ng senior high school sa ilalim ng programang K to 12.
Umakyat sa 41,385 ang populasiyon ng mga mag-aaral mula sa bilang na 36,336 noong nakaraang taon, ayon sa datos mula sa Office of the Registrar.
Tumaas ang bilang ng mga bagong mag-aaral sa lahat ng kolehiyo ng Unibersidad.
Nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng bagong mag-aaral ang Faculty of Pharmacy na sumalubong sa 1,653 estudiyante ngayong taong akademiko.
Sumunod dito ang Graduate School na may 1,425 bagong mag-aaral at Faculty of Arts and Letters na tumanggap ng 1,371 bagong mag-aaral.
Nagtala ng pinakamalaking pagtaas sa bilang ng mga bagong mag-aaral ang Faculty of Engineering. Mula sa isang bagong mag-aaral nito noong nakaraang taon, 1,208 ang bilang ngayong taong akademiko.
Nakakuha naman ang pinakamababang bilang ng Faculty of Canon Law na nagtala ng 38 na bagong mag-aaral. Sila rin ang nagtala ng pinakamaliit na pagtaas ng bilang noong nakaraang taon mula sa 28 na bagong mag-aaral nito.
Sinundan ito ng Graduate School of Law at Faculty of Philosophy na nagtala ng 41 at 51 na bagong mag-aaral ngayong taon, ayon sa pagkakabanggit.
Ayon sa direktor ng Office for Admissions na si katuwang na prop. Gezzez Giezi Granado, nakatulong umano sa paglikom ng maraming freshmen ang mga accreditationna natanggap ng Unibersidad sa iba’t ibang programa nito.
“Ang board exam performancesat accreditation ng Unibersidad, kung saan madalas kasing nakikita sa social mediana Tomasino ang topnotcher,” ani Granado.
Ang K to 12 na programa ay nagdulot ng dalawang karagdagang taon sa high school kaya’t may kabawasan sa mga mag-aaral sa kolehiyo simula noong 2016 hanggang sa pagbalik na sa normal na sistema sa taong 2022.
Pinairal ang K to 12 sa Unibersidad noong Taong Akademiko 2016-2017.