Imbestigasiyon ng UST sa ‘bubble’, malapit nang mabuo

0
2451
The Quadricentennial Pavillion is the hub for sports engagements in the university even in the UAAP. (Photo by Jilson Tiu/The Varsitarian)

NAGLABAS ng pahayag ang University Athletics Association of the Philippines (UAAP), Miyerkules (Agosto 26) nang gabi, kung saan sinabi nitong patapos na ang imbestigasyon ng UST sa naganap na Sorsogon “bubble” ng UST Growling Tigers.

The fact-finding committee is wrapping up their investigation and will be forwarding the result to the Rector’s office tomorrow,” sabi ng pahayag.

Maaalalang bumuo ng komite ang UST upang imbestigahan ang naganap na pag-eensayo sa probinsiya ng head coach na si Aldin Ayo, na lumalabas na labag sa quarantine na ipinapatupad ng pamahalaan sa gitna ng pandemya.

Isa sa miyembro ng komite ng UST ang mag-aabot ng ulat at dadalo sa susunod na pagpupulong ng UAAP kung saan makakasama na rin ang Commission on Higher Education.

Ayon sa pahayag ng Philippine Sports Commission (PSC), inaasahan ng mga asosasyon na malutas ang isyu at makabuo ng hatol sa pagpupulong sa Setyembre 1.

Kasama sa pagpupulong ang Games and Amusement Board, Philippine Sports Commission at Department of Health.

Mahigpit na ipinagbabawal ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang pag eensayo ng mga non-professional teams sa gitna ng pandemiya. Rommel Bong R. Fuertes Jr.

LEAVE A REPLY