6’9″ Fil-Japanese rookie, bibida para sa UST Growling Tigers

0
2000

APAT na rookies, kabilang ang isang 6’9″ center mula Davao, ang ibabandera ng Growling Tigers sa darating na UAAP men’s basketball tournament.

William Afoakwah

  • Height: 6’6″
  • Edad: 21
  • Nagmula sa: Ghana
  • Nag-aral sa: De La Salle University
  • Kurso sa UST: Sports and Wellness Management
  • Posisyon: Center

Si Afoakwah ang bagong bigman ng Tigers matapos silang pangunahan ni three-time Mythical Five member na si Karim Abdul.

Malaking bentahe para sa rookie ang kaniyang athleticism at bilis ngunit kailangan pa niyang hasain ang kaniyang fundamentals at stamina.

Tsutomu Tateishi

  • Height: 6’9″
  • Edad: 18
  • Nagmula sa: Davao
  • Nag-aral sa: Ateneo de Davao University
  • Kurso sa UST: Marketing
  • Posisyon: Center

Si Filipino-Japanese Tateishi ang pinakamatangkad na manlalaro ng UST ngayong season. Hindi kagulat-gulat kung pagsabayin sila ni Afoakwah sa laro at magsilbi silang twin towers sa loob. Pero marami pang kailangang hasain si Tateishi sa kanyang laro para kalauna’y maituring na premier bigman sa liga.

Oliver de Guzman

  • Height: 5’8″
  • Edad: 18
  • Nagmula sa: Davao
  • Nag-aral sa: National University
  • Kurso sa UST: Sports and Wellness Management
  • Posisyon: Guard

Bilis at ang pagiging agresibo ang puhunan ni Oliver de Guzman bilang backup point guard kina Renzo Subido at Jamil Sheriff.

Kabilang si de Guzman sa National University Bullpups na nagkampeon noong 2013.

“‘Yung sistema [ni Coach Boy] nasusunod namin. Mag-step up kami, gagawin namin ang role namin at nandoon na ‘yung teamwork,” ani de Guzman.

Jason Strait

  • Height: 6’4″
  • Edad: 20
  • Nagmula sa: Quezon City
  • Nag-aral sa: Arellano University
  • Kurso sa UST: Sports and Wellness Management
  • Posisyon: Forward

Makakatulong sa rebounding ng Tigers ang dating Arellano University Brave na si Jason Strait. Mataas ang talon at mahaba ang winspan ni Strait.

Maaaring hindi pa bigyan ng maraming minuto si Strait dahil nagbabalik si rebounding machine Regie Basibas at ang stretch forward na si Kent Lao.

Bagaman nakikitaan ng potensiyal dahil sa natatangi niyang leaping ability, kailangan pa ni Strait magpalaki ng katawan upang makasabay sa mga beteranong forward sa UAAP. Jan Carlo Anolin at Ivan Ruiz L. Suing

LEAVE A REPLY