Friday, May 17, 2024

Tag: Agosto 22

Growling Tigers lusot laban sa Falcons

MULING nakalusot ang UST Growling Tigers mula sa mainit na opensa ng Adamson University, 61-59, sa pagbubukas ng second round ng UAAP men’s basketball tournament sa Smart-Araneta Coliseum noong Agosto 16.

Gaya ng kanilang unang paghaharap noong Hulyo 26, pinahirapan ng epektibong shooting ng Soaring Falcons ang UST sa second half.

Gayunpaman, nakabangon ang Tigers sa pangunguna nina Louie Vigil, Ed Daquioag, Aljon Mariano at John Sheriff upang masungkit ang panalo.

Pumukol ng isang go-ahead jumpshot si Vigil sa huling 1:51 ng laban upang bigyan ng 60-59 na kalamangan ang UST.

Tigresses sawi kontra La Salle

NALASAP ng UST Growling Tigresses ang kanilang ikalawang sunod na talo sa ikalawang round ng UAAP women’s basketball tournament matapos yumukod sa defending champion na De La Salle University (DLSU) Lady Archers, 63-69, sa Mall of Asia Arena noong Agosto 20.

Matapos ang 16 na puntos na abante ng La Salle noong third quarter, nakahabol ang Tigresses sa ikaapat na yugto, 63-66, ng may 1:02 pang nalalabi matapos ang apat na magkasunod na puntos ni Lore Rivera.

Ngunit ang split freethrows ni Lady Archer Miller Ong at apat pang freethrow ni Camille Claro ang sumelyo sa laro, 69-63.

“A lot of chances ang nabigay sa atin pero hindi tayo naka-convert kanina,” ani head coach Chris Cantonjos.

LATEST SPORTS

SOCIAL MEDIA

89,298FansLike
2,780FollowersFollow
74,941FollowersFollow
1,920SubscribersSubscribe