Tigresses sawi kontra La Salle

0
564

NALASAP ng UST Growling Tigresses ang kanilang ikalawang sunod na talo sa ikalawang round ng UAAP women’s basketball tournament matapos yumukod sa defending champion na De La Salle University (DLSU) Lady Archers, 63-69, sa Mall of Asia Arena noong Agosto 20.

Matapos ang 16 na puntos na abante ng La Salle noong third quarter, nakahabol ang Tigresses sa ikaapat na yugto, 63-66, ng may 1:02 pang nalalabi matapos ang apat na magkasunod na puntos ni Lore Rivera.

Ngunit ang split freethrows ni Lady Archer Miller Ong at apat pang freethrow ni Camille Claro ang sumelyo sa laro, 69-63.

“A lot of chances ang nabigay sa atin pero hindi tayo naka-convert kanina,” ani head coach Chris Cantonjos.

Muling lumayo ang DLSU sa pagsisimula ng huling quarter matapos ang magkasunod na buslo ni Alyanna Ong, 58-44.

Subalit muling humabol ang Tigresses gamit ang 15-4 na bomba, tampok rito ang dalawang three-pointer ni Candice Magdaluyo at isa mula kay Rivera, 59-62, may tatlong minuto ang nalalabi.

Nahabol rin ng UST ang 16 na puntos na ungos ng Lady Archers noong ikatlong bahagi ng laro, 24-40, nang sumagot si Magdaluyo ng UST ng isang tres para simulan ang 16-3 run ng Tigresses at makahabol, 40-43.

Noong second quarter, nalimitahan sa limang puntos ang UST sa likod ng nag-iisang field goal mula kay Jhenn Angeles upang maagang maiwan sa laban, 20-31.

Pinangunahan nina Angeles at Rivera ang opensiba ng UST na nagtapos ng may tig-17 puntos.

Lumagapak sa 4-5 na win-loss record ang Tigresses.

LEAVE A REPLY