Friday, May 3, 2024

Tag: No. 4

Perils of Varsitarian sports journalism

FIRST of all let me be clear, I do not hate UST teams.

Like a true Thomasian, I celebrate with pride every time the Growling Tigers win and get hurt every time they come up short.

The only difference is that unlike a regular student or normal fan, I have a responsibility to tell the community the story behind every jubilant victory and painful defeat our student-athletes go through.

As a student-journalist, it is my job to tell the truth. Even though I work for the 86-year-old official student publication of the University that will forever give focus to UST squads win or lose, losing my objectivity and being biased for the Tigers is not included in my job description.

Tigers, tagilid sa 2nd round

PUMUKOL ng tatlong tres si Robin Roño ng National University (NU) sa huling yugto upang pataubin ang UST Growling Tigers, 75-61, sa kanilang muling pagtutuos sa UAAP men's basketball tournament sa Smart-Araneta Coliseum Sabado ng gabi.

Nahulog ang UST sa ika-anim na puwesto tangan ang 4-5 na kartada. Ito rin ang ikatlong-sunod na talo ng Tigers matapos patumbahin ng Ateneo de Manila University sa pagtatapos ng unang round at ng University of the East sa pagbubukas ng ikalawang round noong Agosto 15.

Nakalapit ang Tigers, 57-60, nang may 5:18 na minuto pang nalalabi sa laban matapos ang isang 11-4 run, na tinapos ni Aljon Mariano sa pamamagitan ng isang side-step floater.

Gawi ng Salinggawi: Wagi o sawing muli?

MATAPOS silang mapantayan sa bilang ng kampeonato sa UAAP Cheerdance Competition noong nakaraang taon, tuluyan na nga bang mauungusan ng University of the Philippines ang UST Salinggawi Dance Troupe (SDT)?

Isang titulo na lamang ang kailangan ng three-time defending champion UP Pep Squad upang higitan ang walong kampeonatong hawak ng SDT, ang pinakamarami sa kasaysayan ng torneo.

Ngunit hindi hahayaan ng SDT na maagaw ang karangalan, bagaman dalawang-sunod na taon na itong nalalaglag mula sa Top 3 ng kumpetisyon na huli nitong pinagharian noon pang 2006.

Ayon kay Dan Dimaculangan, pangulo ng SDT, mas handa sila sa laban ngayong taon sapagkat maaga nilang nasimulang sanayin ang ilang liftings at stunts, maliban sa iba pang pagsasanay buong taon.

Limang UST Softbelles, sumabak sa World Series sa Amerika

LIMANG UST Softbelles ang ipadadala sa Delaware sa Estados Unidos upang lumahok sa World Series sa ika-apat hanggang ika-12 ng Agosto matapos magwagi sa Big League Softball Division ng Asia-Pacific Regionals (ASPAC) sa Clark, Pampaga noong Hulyo 6.

Sina UST Softbelles Hazel Anque, Mallows Garde, Rachelle Ann Secor, Jonalie Almonia at Mary Ann Antolihao, kasama ang pito pang manlalaro mula sa Adamson University at tig-iisa mula sa Ateneo de Manila University, National University at Polytechnic University of the Philippines, ang bububuo sa pambansang koponan, ayon kay UST Softbelles head coach at Philippine Women’s softball team assistant coach Sandy Barredo.

Tatlong Lady Judokas, tagumpay sa Macau

TATLONG UST Lady Judokas ang nagwagi sa Macau International Junior and Youth Judo Championship na ginanap sa Kapsiac Multisport Pavilion sa Macau noong Hulyo 20 at 21.

Nasungkit ng rookie na si Sarah Enriquez ang ikalawang gantimpala sa middleweight division (-70 kg) matapos matalo kay He Jia Xin ng China. Sina Ednorly San Andres, na lumaban sa half-heavyweight division (-78 kg), at Lorelei Tolentino, na lumahok naman sa lightweight division (-57 kg), ay kapuwa nag-uwi ng mga tansong medalya.

Tatak Tigreng Tomasino: Lumalaban kahit sugatan

PATULOY na lumalaban ang UST Growling Tigers sa kabila ng injuries na natamo ng ilang pangunahing manlalaro.

Kapuwa nakararanas ng iba't ibang injuries sina team captain Jeric Teng, Kevin Ferrer, Aljon Mariano at Edcor Marata na nakaaapekto sa kampanya ng UST Growling Tigers sa kasalukuyang UAAP season.

“Apektado kaming lahat [sa grupo] kasi unang-una, marami ang injured. Pangalawa, wala ‘yung leader (Teng). Mahirap mag-adjust,” ani head coach Pido Jarencio.

Maagang paghahanda para sa UST Tigers

NAWALA man ang King Tiger, patuloy na magiging palaban ang UST Growling Tigers.

Ito ang siniguro ni coach Pido Jarencio matapos lumipat sa Unibersidad sina Mario Bonleon at Joel Tolentino, na kapuwa susubuking punan ang kakulangang dinulot ng paglisan ng dating point guard at team captain na si Jeric Fortuna.

Bagaman bago sa sistema ng Tigers, nauna nang sumabak bilang University of the East (UE) Red Warrior sa Filoil Flying V Hanes Premier Cup nitong nakaraang summer si Bonleon habang dati namang naglaro para sa De La Salle University at College of Saint Benilde si Tolentino.

Bukod sa pagpuno sa mabigat na tungkuling iniwan ni Fortuna, magsisilbing paghahanda rin sa kinabukasan ng Tigers ang paglipat ng dalawang manlalaro.

Pagbawi ng Salinggawi

HIGIT pa sa pisikal na paghahanda ang kakailanganin ng UST Salinggawi Dance Troupe (SDT) upang maibalik ang kumupas na kinang.

Para sa mga nakapanayam ng Varsitarian, kumbinasyon ng iba’t ibang sangkap ang magdadalang muli sa eight-time champion SDT sa Top 3 ng UAAP Cheerdance Competition. Narito ang kanilang mga pahayag:

“Hangga’t ibinibigay nila ang lahat ng kanilang makakaya at puso sa pagpapaunlad ng kanilang techniques, skills at moves, kaya nilang mailabas kung paano maging tunay na Growling Tiger. Huwag silang matakot dahil ginagawa nila ito para sa sarili nila at sa Thomasian community.”
Ezekiel Tanjutco, kapitan ng 2006 SDT champion team

Tiger Cubs, sawi kontra Junior Maroons

GINANTIHAN ng University of the Philippines Integrated System (UPIS) ang UST Tiger Cubs, 73-71, sa muli nilang paghaharap sa ikalawang round ng UAAP juniors basketball sa Blue Eagle Gym sa Ateneo de Manila University noong Agosto 17.

Lumamang ng siyam na puntos ang UPIS sa ikatlong quarter matapos makumpleto ni Josiah Chua ang isang three-point play.

Nakahabol ang Tiger Cubs sa pamamagitan ng isang 7-1 run na pinangunahan ni Thristan Laman upang makadikit, 49-51, sa pagtatapos ng parehong yugto.

Ngunit muling dumistansiya ang Junior Maroons, 70-63, matapos pumasok ang layup ni Freddy Pajarillaga sa 1:39 minuto ng huling quarter.

Lady Booters, kampeon sa Pinay Futbol League

WALANG kasintamis ang magkamit ng unang puwesto sa kauna-unahang pagkakataon.

Itinanghal ang UST Lady Booters bilang kauna-unahang kampeon ng Pinay Futbol League matapos nilang maungusan ang Ateneo Lady Eagles, 2-1, sa kanilang paghaharap sa De La Salle-Zobel Globe Football Field sa Muntinlupa noong Agosto 4.

Sa ika-85 na minuto ng sagupaan, nagawang makalusot ni Lady Booter Niña Acuña sa mahigpit na depensa ng Ateneo upang maka-iskor at tuluyang magapi ang Lady Eagles, na nagtapos sa ikatlong puwesto.

LATEST SPORTS

SOCIAL MEDIA

89,298FansLike
2,780FollowersFollow
74,941FollowersFollow
1,920SubscribersSubscribe