Tag: July 15
Si Jose Rizal bilang isang Tomasino
“KINAMUMUHIAN ni Dr. Jose Rizal ang UST.”
Ito ang palasak na paniniwalang sinikap baguhin ni P. Fidel Villarroel, O,P., katuwang na archivist ng UST sa kanyang akdang "Rizal and the University of Santo Tomas" (UST Press, 1984).
Nag-ugat ang perspektibong ito sa isang kabanata ng "El Filibusterismo" ni Rizal kung saan ipinakita ang paglayas ni Placido Penitente, esudyante ng UST, sa isang klase sa Pisika matapos siyang pag-initan ng kanyang propesor na si Padre Millon.
Ayon kay Villarroel, bagaman malalim ang pinaghuhugutan ng El Filibusterismo sa kasaysayan, kailangang alalahanin na isinulat ni Rizal ang nobela sa panahon kung kailan ang mga paring Dominikano ay pilit na kinukuha ang kanilang lupa sa Calamba, Laguna.