Tag: March 13, 2012
Katotohanan tungkol sa ‘hukbong Tomasino’
TALIWAS sa alam ng nakararami, hindi ang pakikidigma ng isang “student army” noong 1762 ang dahilan ng pagiging “Royal” ng Unibersidad, kundi ang pagiging matapat nito sa Espanya.
Inihandog ni Haring Charles III sa UST ang titulong “Royal” noong 1785 dahil sa pagiging matapat nito sa Espanya noong kasagsagan ng digmaan sa pagitan nito at ng Inglatera.
“Palagay ko ay nabuo itong misconception dahil sa maling pagkakaintindi ng mga modernong historyador sa panahon ng pagsakop ng Inglatera sa Pilipinas. Nangyari itong [pananakop ng Inglatera sa Pilipinas] noong 1762 pero tulad ng sinabi ng mga bagong kaalaman, walang binuong student-army sa UST,” ani Jose Victor Torres, isang historyador.