Saturday, April 13, 2024

Tag: Romulo Olazo

Beteranong Tomasinong pintor, pumanaw na

(Larawan mula sa The Art Scene in Cebu website)

18 Agosto 2015, 10:19p.m. - PUMANAW na ang Tomasinong tanyag sa larangan ng modern visual arts na si Romulo Olazo kaninang umaga, ika-18 ng Agosto, sa edad na 81.

Nagtapos si Olazo ng fine arts sa Unibersidad kung saan naging estudyante siya ng mga Pambansang Alagad ng Sining na sina Victorio Edades at Diosdado Lorenzo.

Nakasama naman niya sa klase ang isa pang Pambansang Alagad na si Ang Kiukok, kapwa pintor na si Ong Bungian, at iskultor na si Ting Ping Lay.

LATEST