Monday, April 22, 2024

Tag: UST Faculty of Arts and Letters

Konseho ng Artlets, siniguradong may mananagot sa pagkawala ng pondo

17 Agosto, 2015, 11:10 ng - HALOS isang taon matapos mawalan ng P50,000 na pondo, sinigurado ng  konseho ng mga mag-aaral sa Faculty of Arts and Letters (ABSC) na may ilang indibidwal na mananagot sa insidente.

Sa pahayag na inilabas ng ABSC sa Facebook kahapon bilang tugon sa isang "silent protest" na isinagawa ng ilang mag-aaral noong ika-14 ng Agosto, sinabi ng konseho na nakatakdang isapubliko ang resulta ng mga imbestigasyong isinagawa sa susunod na linggo matapos ang ilang pagbabago sa paunang hatol.

Ito ay ayon na rin sa mga opisyal ng fakultad, dagdag pa ng konseho.

LATEST