HINIMOK ng bagong pinuno ng Dominiko sa buong mundo na maging liwanag ang mga miyembro ng orden sa mga mananampalataya na nawawala ang pananalig sa Diyos.
“Dominic is light of the Church, very much like the light Jesus speaks about in the Gospel. [T]his is what the fathers of the Church call as a lunar ministry, to illuminate the light of Christ, than merely shine,” sabi ni P. Gerard Francisco Timoner III, O.P. sa kaniyang homiliya sa pagtatapos ng General Chapter ng ordeng Dominiko sa Biên Hoà, Vietnam noong ika-4 ng Agosto.
Dagdag pa niya, si Hesus ang nagsisilbing araw ng mundo at ang mga Kristiyano ang buwan na dapat maging repleksiyon ng Kaniyang liwanag.
Winika rin ni Timoner, dating vice chancellor ng Unibersidad, na ang mismong orden ang “enduring sermon” ni Santo Domingo at dapat pagnilayan ng mga Dominiko kung nagagawa nila ang kanilang tungkulin.
“We are all the homily of St. Dominic in our world today. We are part of the ever-expanding text of his sermon. [H]e called the first convents not as a house for preachers but Holy Preaching itself,” wika ni Timoner.
Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagiging iisa ng mga Dominiko sa buong mundo.
“Paradoxical as it may seem, even as we part ways and go to different directions, we continue to walk together… and we have one goal: to radiate the light of Christ, the Word-Incarnate, to the world,” sabi niya.
Nagpahayag din ang 21 na miyembro ng kanilang solemn profession sa orden.