25 Aug, 2015, 8:21 ng — KINONTRA ng katuwang na dekano ng Faculty of Arts
and Letters (AB) ang pahayag ng AB Student Council ukol sa napipintong paglabas
ng resulta ng imbestigasyon sa nawalang pondo ng konseho.

Ayon kay Prop. Narcisa Tabirara, katuwang na dekano
ng Artlets at coordinator ng Student Welfare and Development
Board (SWDB), hindi totoo ang huling pahayag ng ABSC na mauudlot umano ang
paglabas ng hatol sa nawalang pondo na P50,000 noong isang taon.

“There was a bit of inaccuracy [in the statement of
the council because] wala naman kaming ganyang pronouncement,” pahayag ni
Tabirara. “Whether there is a meeting or a faculty retreat, the resolution
has already been made some time
 ago pa kaya nga lang pina-review ng panel.”

Dagdag pa niya, ang kasalukuyang rehente na si P. Joseto
Bernadas, O.P. ang kinakailangang pumirma sa mga dokumento, at hindi ang bagong
rehente na si P. Rodel Aligan, O.P.

“Sa Sept. 1 pa uupo sa puwesto ang
bagong regent. Nandito pa rin ang dating regent at
kinakailangan pa niyang gawin ang kanyang official duties until Aug. 31,”
ani Tabirara. “We already informed him that he is the one to sign and he has
already agreed [to sign the verdict].

Ayon pa kay Tabirara, maaaring mailabas ang hatol
bukas o makalawa matapos itong mapirmahan ni P. Bernadas at ni Prop. Michael
Anthony Vasco, dekano ng fakultad.

“It is ready. Kailangan na lang ng signature ni dean at regentIn
a day or two, we will release them to the persons to whom the resolutions are
intended. Not to the student council, not to the students, not to any other
person, just the ones concerned
,” ani Tabirara.

Ayon kay Jan Dominic Castro, pangulo ng ABSC,
inilabas ng konseho ang pahayag upang ipaalam sa mga estudyante ang pag-usad ng
kaso.

“[K]aya kami nag-release ng update is
for the students know what’s happening — what is the administration [doing] 
kaya
hindi pa nare-release ang verdict. [A]s [the]
students’ representatives, at the very least, we should say what we know,

sabi ni Castro.

Nauna nang naibalita ng Varsitarian ang
nilalaman ng pahayag na inilabas ng ABSC noong ika-23 ng Agosto sa kanilang
opisyal Facebook page.

Umano’y binigyang-daan muna ang pagpupulong ng mga
miyembro ng fakultad at ang katatapos lamang na faculty retreat kaya
hindi pa naisasagawa ang huling pagsusuri sa opisyal na hatol. Alhex
Adrea M. Peralta

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.