Photo courtesy of INQUIRER.netISANG Tomasino ang pinarangalan sa katatapos na Ateneo Art Awards (AAA) 2010 na ginanap noong ika-12 ng Agosto sa Grand Atrium ng Shangri-La Plaza sa Mandaluyong.

Si Mark Salvatus, nagtapos ng kursong Advertising Arts sa College of Fine Arts and Design noong 2003, ay isa sa mga nanalo sa AAA 2010, kasama ang dalawang kapwa alagad ng sining na sina Leslie de Chavez at Pow Martinez. Siya ay pinarangalan para sa kaniyang “Secret Garden,” isang obra na itinampok sa Sangduan 5: Daloy ng Dunong sa Pambansang Museo. Ito ay gawa sa bote ng softdrinks na ginupit upang magmukhang halaman at inilagay sa look ng pader upang makita sa pamamagitan ng isang bintana.

Bukod dito, siya lamang ang nagkamit ng dalawang artist residency grants mula sa 12 artists–Ateneo-Art Gallery-Common Room Networks Foundation Residency Grant at Ateneo Art Gallery-La Trobe University Visual Arts Centre Residency Grant. Ang mga gantimpalang natanggap ni Salvatus ay nagbibigay sa kaniya ng pribiliheyo ng pagtira sa Bandung, Indonesia at Bendigo, Australia nang mula dalawang linggo hanggang isang buwan.

“It is good to be acknowledged by the different people in the arts like senior artists, curators, critics. It justifies that my works are serious. This award is just like a bonus to the works I do,” ani Salvatus sa kaniyang liham sa Varsitarian.

Sa taon na ito, ang tema na napili para sa taunang patimpalak ay “Shattering States”, na napili ng Ateneo Art Gallery sa layon nilang isulong ang modernong sining.

Sa edad na 30, marami nang nakuhang parangal si Salvatus, kabilang ang Benavides Outstanding Achievement Award noong 2003.

READ
Faculty association folds up

Mula noong taong 2001, nagkaroon na siya ng walong one-man exhibit dito at sa ibang bansa. Napabilang din siya sa 76 na pang-grupong eksibisyon.

Kilala rin si Salvatus sa kaniyang proyekto sa Green Papaya na Neo-Urban Planner kung saan hinihikayat niya ang mga taong maglunsad ng plano sa pagpapaganda ng isang urbanisadong lugar. M.J.A.D. Cruz

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.