UPANG MATUGUNAN at mapangalagaan ang isang institusyon, nagtatayo ito ng iba’t ibang sangay na tumutulong sa pagpapatupad at pagsasaayos ng mga alituntunin nito.

Sa Unibersidad ng Santo Tomas, itinataguyod ang iba’t ibang kagawaran na tumutugon sa mga pangangailangan at gawain nito. Sa paraang ito, agad na malulunasan ang mga problema at mabilis na mapapaunlad ang sitwasyon sa unibersidad.

Ang Kagawaran ng Wika ay isa sa mga tanggapang na marami ng papel ang ginagampanan. Ito ang nangangasiwa sa paggamit ng mga wikang Filipino, Ingles, Espanyol, Niponggo at mga katulad na asignatura. Pinangangasiwaan din nila ang sangay ng panitikan.

Sa kasalukuyan, may mga nagnanais na paghiwalayin ang dalawa. Mas makabubuti umanong magkaroon ng sariling kagawaran ang panitikan upang mas maunawaan at matugunan ang mga pangangailangan nito.

Magkaibang disiplina

Magkaibang disiplina ang wika at panitikan.

Ayon kay Prop. Ophelia Dimalanta, Ph.D., direktora ng Sentro ng Malikhaing Pagsusulat at pag-aaral, magkaibang disiplina ang wika at panitikan. Pero dahil sa ang pokus ng kagawaran ay wika, nadedehado ang panitikan, na kabilang sa general curriculum.

Samantala, magkakaiba ang basehan ng bawat disiplina kayat dapat na paghiwalayin ang iba’t ibang wika.

Ito ay ayon kay Prop. Marilou Madrunio, propesor ng Ingles sa Pakultad ng Sining at Panitik, na nagsasabing magkaiba ang basehan ng wika at panitikan sapagkat ang Espanyol, Ingles, Filipino at Niponggo ay sakop ng nauna.

“But even then, we have a different base also for English, Spanish, Filipino, and Niponggo,” dagdag niya.

Isa sa kanyang panukala ay ang paggamit ng English for Specific Purposes approach o ESP.

Sapagkat iisang libro ang ginagamit sa Ingles ng bawat kolehiyo, ayon sa general education curricula, mas mainam kung bawat kolehiyo ay may sariling libro sa Ingles.

READ
Limang mandurukot nadakip ng security office

Ginamit ni Madrunio ang pakultad ng Sining at Panitikan at Kolehiyo ng Agham bilang halimbawa sa pagkakaiba ng paggamit ng diksyunaryo o lexicon. May mga terminong sadyang pang AB lamang. Hindi interesado ang mga estudyante sa mga terminolohiyang pang-agham, na siya namang larangan ng mga estudyante ng Agham.

Upang maipatupad ang ESP, kakailanganin ang mas maraming materyales sa pagtuturo. Kailangan ding papuntahin sa mga ESP seminars ang mga propesor.

“Because it’s not just the matter of being able to teach the subject, not just a matter of being able to use this approach. It’s also a matter of being able to teach effectively the students using this kind of approach,” sabi niya.

Ayon kay Dimalanta, isa sa lubos na makatutulong sa pagtuturo ay ang pagbabalik at pagtatayo ng mga speech at writing laboratories.

Mahina sa lingguistika

Samantala, upang maging isang globally competitive na institusyon ang UST, isang hiwalay na kagawaran para sa Ingles ang dapat itayo upang makasabay sa mga pagbabago sa linggwistika, ayon kay Prop. Cecille Pitpit ng Kolehiyo ng Agham.

“Sa katagalan napansin kong mahina ang ating language program. Wala tayong maipagmalaking eksperto sa Filipino. Wala tayong Virgilio Almario o Bienvenido Lumbera at wala na rin si Ponciano Pineda,” sabi ni Pitpit.

Binanggit ni Pitpit ang ibang unibersidad tulad ng De La Salle University , Ateneo de Manila, at Unibersidad ng Pilipinas. Ang DLSU ay may Department of English Language, Philippine Languages and Literature.

Para kay Pitpit, nawala na ang pagpapahalaga ng UST sa linggwistika. May Linguistics Society ang DLSU habang may malawak na pagsisiyasat sa wikang Ingles sa kanilang silid-aklatan ang Ateneo. Ang UP ay may Kagawaran ng Wikang Pambansa.

READ
UST JPIA honored during convention

“Ang ibang universities are very active in translation. Dahil combined ang languages natin, parang half-baked lahat,” sabi ni Pitpit.

Ang isang hiwalay na departamento para sa Ingles ang maaring lunas para sa mga Tomasino na mahina sa komunikasyon.

“They only become employees, not CEO’s. Apparently they lack the ability to communicate due to our weak program,” dagdag niya.

Isang mas mahusay na programa sa pagtuturo ng iba’t ibang wika ang dapat maitayo. Ayon kay Pitpit, bawat isang disiplina — maging Filipino, Panitikan, Ingles, o wikang Europa, ay paghiwalayin upang makakuha at makagabay ng mas maayos sa reporma at pagbabago.

Ayon kay Pitpit, dahil sa kasalukuyang balangkas ng panitikan at iba pang wika sa ilalim ng Kagawaran ng Wika, walang lugar para sa pag-unlad.

“If they’re going to look at it, the university-wide chair for English language only becomes a nominal chair. Much as they want to function much, they couldn’t do so because they have to pass through the college dean,” sabi ni Pitpit.

Ayon naman kay Madrunio, napag-alaman nilang may mga estudyanteng kailangan ng ensayo o dagdag na pagsasanay sa komunikasyon.

Kung ikukumpara sa iba, mas lamang sa Ingles, sa pagsasalita at pagsusulat, ang ibang unibersidad.

Sa DLSU, ang English 1 o “EngOne” ay tungkol sa pagsusulat sa Ingles habang pagsasalita pa lamang sa Ingles ang English 1 ng UST.

“It is understood or it is assumed that for La Sallians, the very moment they get into the university level, they already have attained a certain mastery, degree of mastery for spoken and written English,” aniya.

READ
Family forum held

Ang DLSU ay mayroong hiwalay na kagawaran para sa Filipino, sa Literatura, at sa Ingles. Ang Ateneo ay may Center for Language Teaching na hiwalay ngunit katulong ng English department.

Ang unibersidad lang umano ang walang sariling kagawaran ang iba’t ibang wika at panitikan.

Resulta

Sinubukang kapanayamin ng Varsitarian si Prop. Cynthia Rivera, pinuno ng Center for Intercultural Studies, at Dr. Joanna Hashim, Ph.D., pinuno ng Departamento ng Wika, ngunit tumanggi ang mga ito.

“At the end of the day, I think it’s the Department of Languages that should comment about the issue,” sabi ni Rivera sa telepono.

Mas magiging epektibo ang pagtuturo sa wika at panitikan kung magkakaroon ng kaniya-kanyang kagawaran ang mga ito.

Isa sa mga magandang maidudulot nito ay ang pagmamatyag sa mga guro sa wika at panitikan sa kanilang pagtuturo.

Bilang propesor sa Ingles, sinabi ni Prop. Madrunio na mas madaling gawin at magkakaroon ng mas maraming panahon upang mamatyagan nang mabuti ang pagtuturo ng mga propesor kaysa sa matyagan ang mga propesor sa Español, Panitikan at Filipino nang sabay-sabay.

Mas mainam ito lalo na sa mga bagong guro. Ang pagmamatyag sa mga bagong propesor ay mas magiging patas sapagkat mas mabibigyan sila ng pagsasanay at panahon upang mas mapabuti ang pagtuturo.

Dagdag pa niya, ang pagtuturo sa mga estudyante ay mapabubuti kung mabibigyan ng daan ang ESP.

“Kung nahihirapan na sila sa partikular na talento na ito at dinadagdagan pa natin nang hindi naman nila kaya, bakit natin sila tinuturuan ng ganitong klaseng Ingles kung puwede namang padaliin sa kanila?” sabi ni Madrunio.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.