Tag: Agosto 30, 2002
UST bumandera
MULI na namang namayagpag ang mga Tomasino sa Physical Therapy at Occupational Therapy Licensure Exams, na ginanap nitong buwan. Pinangunahan ng mga Tomasino ang mga naturang board exams.
Samantala, pumangalawa ang isang Tomasino sa Medical board exams. Dalawa pang Tomasino ang pumuwesto ng ikalima at ikawalo sa naturang pagsusulit.
UNICEF naglunsad ng patimpalak
INILUNSAD ng United Nations Children’s Fund (UNICEF), isang sangay ng United Nations na tumutulong upang matiyak ang kaligtasan at pag-unlad ng mga kabataan sa buong mundo, ang “Ad Bata,” isang Value Ad making contest.
Bukas ang patimpalak sa lahat ng mga rehistradong Tomasino ng taong pampaaralan 2002-2003, maliban sa mga Tomasian Cable TV (Tomcat) volunteers, na siyang tagapamahala ng Unicef sa nasabing proyekto.
Buhay artista
MAY KUWENTO ang bawat tao.
Ito marahil ang nais iparating ng pelikulang Piñero na isinulat at idinirek ni Leon Ichasco. Umiikot ito sa masalimuot na buhay ng isang makata, artista, at mandudulang taga-Puerto Rico na si Miguel Piñero (Benjamin Bratt).
Kuwento ng tanga
MAGMUKHA ka mang baliw sa salit-salitang kaiiyak at katatawa, hindi mo pa rin mapipigilan na magpadala sa iyong emosyon habang pinapanood ang I Not Stupid mula sa Singapore, na idinirek at isinulat ni Jack Neo.
Buhay at puso
LAHAT tayo ay naghahangad na makahanap ng taong mamahalin at magmamahal din sa atin. Ito ang tema ng Fast Food, Fast Women ni Direktor Amos Kollek ng bansang Israel.
Ang kuwento ay tungkol kay Bella, isang “waitress,” at ang kanyang madalas na mga kostumer na sina Paul, Seymour at Graham. Lahat sila ay naghahangad na makahanap ng tunay na pag-ibig sa mabilis na lungsod ng New York.
Asin at ilaw ng mundo
TATAG ng pananampalataya. Lakas ng kabataan.
Ito ang mga pangunahing diwang binuo ng halos 800,000 kabataan mula sa 173 bansa na nakiisa sa pagdiriwang ng ika-17 World Youth Day (WYD) na ginaganap sa Toronto, Canada, mula noong Hulyo 18-28 na may temang, “Ikaw ang asin ng daigdig…Ikaw ang ilaw ng mundo.”
Ang WYD ay isang kasiyahang pandaigdig tuwing ikadalawang taon kung saan ang lahat ng mga delegadong kabataan ay naghahawak-hawak ng kamay at sumasayaw sa saliw ng iisang himig — ang kanilang pananampalataya.
Kasaysayan
‘Prinsipe ng mga Pilipinong manlilimbag’
KILALA si Tomas Pinpin bilang “Prinsipe ng mga Pilipinong Manlilimbag” dahil sa naiambag nito sa pag-iimprenta ng aklat sa Pilipinas. At alam ba ninyo na ang isa sa mga makinaryang nagamit niya sa paglilimbag ay minsang ginamit rin ng Unibersidad?
Mula sa ideya ni Padre Francisco Blancas de San Jose, O.P. at sa tulong ni Juan de Vera, nabuo ang kauna-unahang typography machine o makinaryang pang-imprenta dito sa bansa. Naging matagumpay ang pagkopya nila sa mga makinaryang nanggaling pa sa Europa, gaya ng ginagamit noon sa mga bansang Hapon at Tsina, at hindi na kinailangan pa ang pag-angkat ng mga ito. Pinaniniwalaang nabuo ang nasabing makinarya sa isang Dominikanong simbahan sa Binondo noong 1602.
Bigkis ng kabataan
PAGBUKLURIN ang pamilyang Pilipino.
Ito ang naging layunin ng kauna-unahang BIGKIS Festival, isang magdamagang pagdiriwang ng mga kabataan at pamilya noong Agosto 17-18 sa Tanghalang Francisco Balagtas (dating Folk Arts Theater).
Bahagi ang BIGKIS ng apat na pagdiriwang bilang paghahanda sa nalalapit ng 4th World Meeting of Families (WMF) na gaganapin mula Enero 24-26 sa susunod na taon. Nauna nang idinaos ang Festival of Fathers at ang Festival of Mothers. Samantala, sa Oktubre naman gaganapin ang pinakahuli, ang Children’s Festival.
USTH nalalagay sa mainit na tubig!
ISANG kinikilalang institusyon sa larangan ng medisina ang University of Santo Tomas Hospital (USTH) at sa paglalayong mapabuti ang kanilang serbisyo, nangalap ang USTH ng mga makabagong aparato.
Ngunit sa kasawiang palad, nauwi sa kontrobersiya ang hakbang ng USTH nang kuwestiyunin ng ilang awtoridad ang legalidad nang nasabing pag-aangkat.
Mga aparatong inangkat
Wika at Panitikan
UPANG MATUGUNAN at mapangalagaan ang isang institusyon, nagtatayo ito ng iba’t ibang sangay na tumutulong sa pagpapatupad at pagsasaayos ng mga alituntunin nito.
Sa Unibersidad ng Santo Tomas, itinataguyod ang iba’t ibang kagawaran na tumutugon sa mga pangangailangan at gawain nito. Sa paraang ito, agad na malulunasan ang mga problema at mabilis na mapapaunlad ang sitwasyon sa unibersidad.