PAGBUKLURIN ang pamilyang Pilipino.

Ito ang naging layunin ng kauna-unahang BIGKIS Festival, isang magdamagang pagdiriwang ng mga kabataan at pamilya noong Agosto 17-18 sa Tanghalang Francisco Balagtas (dating Folk Arts Theater).

Bahagi ang BIGKIS ng apat na pagdiriwang bilang paghahanda sa nalalapit ng 4th World Meeting of Families (WMF) na gaganapin mula Enero 24-26 sa susunod na taon. Nauna nang idinaos ang Festival of Fathers at ang Festival of Mothers. Samantala, sa Oktubre naman gaganapin ang pinakahuli, ang Children’s Festival.

Mismong ang Santo Papa ang pumili ng temang The Christian Family: Good News for the Third Millenium. Ito ay pinamahalaan ng Ministry for Youth Affairs ng Archdiocese ng Maynila.

Sa naunang panayam kay Fr. James Reuter, SJ, tagapangulo ng WMF, mula sa isang pagpupulong kasama ang Santo Papa, kinilala ng Papa ang kahalagahan ng pamilya.

“The family is dissolving and the youth and family are drifting away from God. Fewer youths affiliate themselves with the Catholic Church compared to the national average among adults. The Church hoped to launch a concerted attack to save the family as the basic unit of society,” wika ng Papa.

Pagtugon

Higit sa 20,000 kabataan ang lumahok sa pagdiriwang, kung saan ang ilan ay sa malalayong lalawigan pa nagmula. Nagmistulang hindi mahulugan ng karayom ang lugar sa dami ng lumahok. Ang ilan ay sa labas na lamang pumuwesto at nanood sa pamamagitan ng projection screen.

Isinaad ni Arsobispo Jaime Cardinal Sin sa isang kinuhang panayam na isang mabisang paraan ang BIGKIS upang isabuhay muli ang World Youth Day 1995.

READ
Kagawaran ng Wika 'rumampa'

“It is a sign of the Lord and the desire to serve the Church will give confidence that the Church has a bright future,” wika niya.

Binuksan ang pagdiriwang sa taimtim na dasal at sinundan ng band performances at animation songs.

Naging tampok din sa pagdiriwang ang mga dumalong mang-aawit at artistang gaya nila Christine Bersola, Ryan Agoncillo, Julius Babao, Isay Alvarez, Pinky Marquez, Jolina Magdangal, Beth Tamayo, at Jamie Rivera. Nagkaroon din ng talks at group sharing na tumalakay sa iba’t-ibang isyu tungkol sa pamilya.

Ayon kay Obispo Socrates Villegas, hindi raw dapat pabayaan ang pamilya sapagkat sa pamilya nagsisimula ang pagkawasak ng sangkatauhan. Muli niyang ipinaalala ang mga isyu tungkol sa diborsyo, euthanasia, aborsyon, birth control, at homosexual marriage.

Para kay Obispo Chito Tagle, napakaraming hamon ang hinaharap ng kabataan sa gitna ng impluwensiya ng globalisasyon. Una rito ang pagpapahalaga sa tao. Higit na mahalaga ang mga magulang kaysa sa naibibigay nila. Dagdag niya na hindi pera ang bumubuo ng pamilya kundi ang tao. Ikalawa ay ang labis na pagkabighani sa dulot ng teknolohiya, humihina ang relasyon sa kapwa ng isang nilalang. Dahil dito, nawawala na ang ugnayan at nagbubunga ito ng pagka-kani-kanya. At panghuli ay ang kahulugan ng buhay na makakamit lamang kung ito ay ipamamahagi sa iba.

Hindi raw magiging matibay ang bigkis kung wala itong tali. Ito ang naging pambungad sa sermon ni Obispo Rolando Tirona.

“We should let gospel values influence our lives so that we will emerge with a good Christian personality. We should see the beauty of the Christian person like the martyrs who are proud of their Christian life,” dagdag niya.

READ
It's not over yet

Sa pamamagitan ng makabago at malikhaing audio-visual effects, lighting, at iba pang aspetong teknikal, hindi maikakaila na nakalikha ng akmang ambience ang disenyo at konseptong ginamit sa pagdiriwang.

Katulad ng ipinahahatid ng salitang “bigkis”, ang naganap na BIGKIS Festival ay nagtipon ng libu-libong kabataan na pinagbuklod sa hangaring pagtibayin ang pundasyon ng kani-kanilang pamilya.

Marami mang pagdiriwang na pangkabataan ang naganap na sa bansa, naging kakaiba mula sa mga ito ang BIGKIS dahil napagsama-sama nito ang iba’t ibang gawain tulad ng drama presentations, ballet performance, concerts, talks, confessions, video presentations, vigil, group sharing, at iba pa. Napanatili ng mga ito ang interes at partisipasyon ng kabataan sa magdamagang okasyon.

Ito rin ang magsisilbing simula ng pagpapalawig ng ispiritwalidad ng kabataan upang maging aktibo sa kani-kanilang parokya at pagbibigay ng bagong direksyon sa Kristiyanong pamumuhay.

Narito ang ilang pahayag ng mga nagsidalo sa BIGKIS:

“We believe that the young people are the builders of tomorrow. BIGKIS would help young people to enrich their knowledge on how to build a true family, which they can proudly call their own,” Prof. Wilma Mendoza, guro sa Filipino ng Don Bosco College sa Canlubang, Laguna.

“BIGKIS helped me to be more aware of the importance of communication in our family because that is the major problem that we are encountering right now,” Kim Margaret Gonzaga, Grade VI, ng Makati High School.

“BIGKIS opens answers to many questions about family issues. It feeds the spirituality of the youth to become a tool for family binding. This is truly a one-of-a-kind blessing,“ Julius Casalan, 2nd yr. Communication Arts ng UST Faculty of Arts and Letters.

READ
Resigned dean still plans to teach in Archi

“It helped us value family relationships. Through BIGKIS, the youth are challenged to become instruments in shaping God’s family. Friends may turn their backs on us but the family would always be there,” Yvette Quiambao, Behavioral Science ng UST Faculty of Arts and Letters.

“Ours is a different family set-up. Joining BIGKIS somewhat gave me hope that we can straighten things out and settle misunderstandings in our family,” Lambert Bautista, isang out-of-school youth.

“As a CYA-UST chapter member, I was given the opportunity to be a BIGKIS facilitator. And we were assigned outside the Folk Arts. The participants are soaking wet but still they sung the animation songs, and listened attentively to the talks. The rain was never a hindrance to show their enthusiasm,” Emman Milan, 3rd yr. Civil Engineering, Faculty of Engineering.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.