INILUNSAD ng United Nations Children’s Fund (UNICEF), isang sangay ng United Nations na tumutulong upang matiyak ang kaligtasan at pag-unlad ng mga kabataan sa buong mundo, ang “Ad Bata,” isang Value Ad making contest.

Bukas ang patimpalak sa lahat ng mga rehistradong Tomasino ng taong pampaaralan 2002-2003, maliban sa mga Tomasian Cable TV (Tomcat) volunteers, na siyang tagapamahala ng Unicef sa nasabing proyekto.

Kinakailangang tumatalakay ang mga lahok sa mga usaping kaugnay sa kahalagahan ng pagtataguyod ng mga karapatang pambata at sa konkretong solusyon upang mailingap ang mga bata sa buong mundo mula sa iba’t-ibang uri ng paghihirap at pang-aabuso. Kailangan ding hindi makasasakit sa ibang kultura at sa pamayanang Katoliko ang tema ng lahok.

Ang huling araw sa pagpaparehistro ay sa Agosto 30. Samantala, sa Setyembre 25 naman ang huling araw ng pagpapasa ng mga lahok.

Para sa iba pang impormasyon hinggil sa patimpalak, inaanyayahan ang mga nais sumali na magtungo sa opisina ng Tomcat na nasa ikalawang palapag ng UST Central Library o kaya’y tumawag sa 740-9701 at hanapin si Rowena Cantuba. Rose A. Jabeguero

READ
UST opens application earlier

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.