Hindi ko inaasahan ang minsang pagdalaw
Ng tula sa akin sa malayong pulo.

Isang pangyayaring hindi rin naman
Akalain ng tula. Napadpad lang ito

Sa dalampasigan at nang makarating
Sa aking tahanan ay mabuhangin pa ang talampakan.

Matagal na itong nakaalis patungo sa malayo
Ay nangingiti pa rin ako sa aming pagkikita.

Gaya ng dati, matipid pa rin itong magsalita
Sa kabila ng nababanaag kong pananabik sa mga mata.

Halos naluha ako ngunit agad nitong sinansala:
“Huwag kang malungkot, tingnan mo, hindi maramot

Ang pagkakataon. Hanggang ngayon tayo’y nabubuhay
Kahit man lang sa ilang nalalabíng taludtod.”

Montage Vol. 10 • December 2006

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.