INAASAHANG makakabawi ang Thomasian Debaters Council (TDC) sa kanilang susunod na pakikipagtunggali sa Square-Off : The Philippine Debate Championship ng ABS-CBN News Channel matapos igupo ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) noong Agosto 8.

Nanaig ang tambalan nina Maree Angeline Reyes at Ann Clarisse Marjan ng PUP laban sa Best Debater na si Jaon Kristi Zaldivar at Mark Louie Ramos ng TDC sa kompetisyong halaw sa British Parliament format kung saan may dalawang tagapagsalita ang bawat grupo.

Hinirang ang PUP bilang ‘’texter’s choice’’ sa bisa ng 74.5 porsyentong boto mula sa mga manonood.

Sa usaping “Democracy in the Philippines has failed,” binigyang diin ng PUP ang kahalagahan ng Human Security Act.

“Kailangan maprotektahan ang gobyerno at ang mamamayan mula sa terorismo. Sa katunayan, ang Amerika, Japan at United Kingdom ay mariin ding pinapatupad ang ganitong batas,” ani Reyes.

Nagsilbing hurado ang Tomasinong abogado na si Enrique dela Cruz, si Joanne de Venecia na nanguna sa 2006 rar exams, at Carl Ng.

Ang kampeon sa patimpalak ang kakatawan sa Pilipinas sa World Debate Championship sa Thailand.

Bagamat hindi kinilala ng Office for Student Affairs bilang lehitimong samahang pang mag-aaral ngayong taon matapos mabigong makumpleto ang mga mahahalagang dokumento, tiniyak pa rin ng TDC ang kanila aktibong pagsali nito sa mga kompetisyon sa labas ng kampus.

READ
Chicken soup for the Filipino youth

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.