MAIHAHALINTULAD sa isang maliwanag na tala ang asul na krus sa tuktok ng Main Building. Patuloy nitong hinihikayat ang libu-libong mag-aaral upang linangin ang kanilang kakayahan at palalimin ang paniniwala.

Noong 1963, ang asul na krus na ito ay siya ring nakatawag pansin sa apat na banyaga mula sa Kanlurang Alemanya upang sila’y gumawa ng dokumentaryo tungkol sa UST. Dala-dala ang kanilang mga tripods, movie cameras at flashbulbs, kinuhanan nila ang mga hardin ng Pharmacy, ang Main Building, mga klase sa Faculty of Medicine and Surgery, isang mock trial sa moot court at iba pang mga karaniwang eksena sa UST.

Ang dokumentaryong ito ay bahagi ng isang serye ukol sa mga edukasyonal na institusyon sa iba’t-ibang bahagi ng mundo. Ayon kay Manfred Burnick, isa sa mga direktor ng nasabing proyekto, napili ang UST bilang kinatawan ng edukasyon sa Pilipinas dahil sa mahalagang papel na ginampanan nito sa paghubog sa kasaysayan ng bansa. At sa pamamagitan ng kapangyarihan ng telebisyon, napanood ang UST ng halos kalahating milyong mamamayan sa Alemanya.

Hindi ito ang naging unang pagkakataon na ginamit angm UST bilang paksa ng isang dokumentaryo. Noong Marso 1947, kinunan sa UST ang pelikula-dokumentaryong “End of the Road” ng kilalang direktor na si Lamberto V. Avellana.

Ipinakita ng pelikulang ito ang pagsagip ng Amerikano sa mga banyagang nakadetine sa UST.

Noon po sa amin

Marahil para sa karamihan sa atin, ay tila isang napakalayong pangarap lamang ang Nobel Prize. Ngunit noong 1963, sa kauna-unahang pagbisita ng isang Nobel laureate sa bansa, nagkaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino na mabatid na ang karangalang ito ay hindi lamang isang alamat.

READ
'Thomasian pride can't make profs stay'

Noong Pebrero 6, 1963 ginawaran ng UST si Dr. Severo Ochoa de Albornoz, 1959 premyadong Nobel sa larangan ng medisina, ng titulong Doctor of Medical Science, honoris causa. Sumaksi sa marangal na okasyong ito ang kanyang asawang Carmen Garcia Cobian de Ochoa, mga dekana ng iba’t-ibang kolehiyo, at mag-aaral.

Si Rev. Fr. Antonio Gonzales, OP, ang secretary-general noon ang unang naghikayat kay Dr. Virgilio Ramos, dekana ng Faculty of Medicine and Surgery, maghatid ng petisyon para gawaran ng karangalang ito sa isang Nobel laureate.

Ipinanganak at lumaki si Dr. Ochoa sa Laurca, Asturias, Spain. Nagtapos siya ng medisina noong 1929 at naging mananaliksik ng physiology sa Madrid at Glasgow sa ikatlong taon ng kanyang pagduduktor. Paglaon, nagpakadalubhasa din siya sa biochemistry at enzymology at naging pinuno ng Kagawaran ng Pisika sa Unibersidad ng Madrid noong 1935. Bago ang Nobel, nakamit niya ang Newberg Medal sa Biochemistry noong 1951, at ang Boren Award for Medical Research noong 1958. Ginawaran siya ng Nobel Prize noong 1959 bilang pagkilala sa kanyang mahahalagang natuklasan tungkol sa Ribonucleic acid, Deoxyribonucleic acid at sa cancer.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.