DAHIL sa mga problemang kinakaharap ng Reserve Officers Training Corps (ROTC) ngayon, susuriin ng Varsitarian, kasama ang isang dating opisyal nito sa UST, hindi lamang ang mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan. Binalik-tanawan din ang kasaysayan nito upang magkaroon ng mas malawak na pananaw tungkol sa isyu.

Sa panayam ng Varsitarian, isinalaysay ni Arch. Manuel Cueto, Cadet Adjutant ng ROTC sa UST noong 1957, ang kanyang mga karanasan. Ipinahayag niya rin ang kalungkutan ukol sa kontrobersyang kinakaharap ng ROTC.

“I have a deep respect for ROTC because it is where we become better men, morally, spiritually, and mentally,” wika ni Cueto, kasalukuyang propesor sa College of Architecture at kauna-unahang Vice National Commander ng Golden Cross and Sabres Fraternity, samahan ng mga nagtapos sa UST-ROTC.

Ayon kay Cueto, binibigyan ng pagkakataon ang mga kadete na gamitin ang mga pasilidad ng Unibersidad noong araw. Tuwing Linggo, ginagamit nila ang Main Bldg. para sa instructions, ang football field para sa mga military drills at ang Roque Ruaño (Engineering) Bldg. para sa Advanced ROTC o Advanced Military Training ng mga kadeteng opisyal tuwing Huwebes at Biyernes.

Bukod sa mga kasanayang pang-militar, marami pang ibang bagay na naituro ang ROTC kay Cueto. “We were taught loyalty, loyalty first and foremost to the country and to the institution to where we owed our academic development,” ani Cueto.

Idinagdag pa ni Cueto na natutunan niya sa ROTC ang pakikiharap sa mga tao. Dito niya naranasan ang mautusan ng mga nakatataas na opisyal. Ngunit itinuturing niya ito bilang isang positibong karanasan.

READ
Civil Law reviewers, alumni information now online

Sa ROTC din nahubog ang kanyang kakayahang magturo. At ito ang itinuturing niyang dahilan kung bakit siya naging isang propesor.

Sa pagbabalik-tanaw, hindi niya maiwasang maikumpara ang ROTC noon at ngayon. Ayon sa kanya, maliban sa kakulangan ng sapat na pondo wala na silang naging malaking suliranin noon di tulad ngayon.

Nagkaroon ng mga pagbabago sa ROTC. At ang mga pagbabagong ito ang maaaring naging dahilan ng mga kaguluhan.

“The difference between the ROTC before and the ROTC now is the people manning the ROTC. And I would say values are different. Most of the people nowadays are materialistic,” wika ni Cueto.

Ngunit ayon sa kanya, hindi lamang ang mga namamahala ng ROTC ang nagkaroon ng pagkukulang kung kaya’t kinakailangang tingnan ang kabuuan ng sitwasyon. “Mayro’n bang tatanggap kung walang nagbibigay?” pagtatanong niya.

Ipinahayag din ni Cueto ang paghanga niya sa katapangang ipinamalas ng mga kadeteng nagnais na magdulot ng pagbabago sa sistema tulad ni Mark Welson Chua. “Chua is an exceptional young man. We have to give credit to him.”

Sa kabila nito, sinabi naman ni Cueto na hindi dapat alisin ang ROTC sa mga unibersidad dahil sa mahalagang tungkuling ginagampanan nito sa bansa. “80% of our Armed Forces come from ROTC. If you take ROTC away, what will happen to our military forces?”

Ayon kay Cueto, maaaring ginagamit ng puwersang makakaliwa ang isyung ito upang pahinain ang puwersang militar ng bansa. Dahil dito, naniniwala siya na kailangan lamang pag-aralan ang sistemang umiiral sa kasalukuyan sapagkat maaaring ito ang puno’t dulo ng mga problema.

READ
Summa cum laude tops board

“Isipin muna natin if ROTC is important to our country or not. If it is not functioning as it should be, then (the Congress should) make the necessary amendments. If these amendments do not deliver, then forget about ROTC. But if it is delivering and it will be of great help to our people and to our country, retain it,” wika ni Cueto.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.