MATAPOS malampasan ng University of Santo Tomas Hospital (USTH) ang kontrobersiya sa tax-exempt status, pinasinayaan nito ang bago at kontrobersiyal na Magnetic Resonance Imaging (MRI) instrument noong Agosto 15.

Maaalalang naging kontrobersiyal ang inangkat na MRI nang kinuwestiyon ni dating Education undersecretary for legal affairs Jaime Jacob ang tax-exempt status ng USTH. Ngunit isinantibi ito ni dating Education Secretary Raul Roco kung kaya nakuha ng USTH ang MRI noong Hulyo.

Nagdaos din ng isang misa ng pasasalamat na pinamunuan ni Rektor P. Tamerlane Lana, O.P.

Halos 15 taon na naghintay ang USTH para magkaroon ng MRI.

“It is a dream come true,” ayon kay Dr. Tito Torralba, medical director ng USTH. “It is a tribute to the drive of the Dominican fathers that the USTH has regained its past glory and prestige.”

Sinabi ni Torralba na isang malaking hakbang tungo sa pagpapabuti ng kanilang serbisyo ang pagkakaroon ng USTH ng MRI.

Ayon kay Dr. Benigno Santi II, ang naitalagang section head ng MRI division, ang pagkakaroon ng USTH ng MRI ay nagpapatunay lamang na competitive ang ospital.

Gumagamit ang MRI ng mga magneto at radio frequency waves para makita ang katawan ng pasyente. Nilalagay ang mga pasyente sa loob ng isang malaking magneto, at sa pagbabago-bago ng nakapalibot na magnetic field at radio frequency waves, nakikita ang panloob na istraktura ng katawan ng pasyente.

Matatagpuan ang MRI section ng USTH sa kanang bahagi ng hospital chapel. Billy Joe I. Allardo

READ
Restoring the moral approach to cinema appreciation

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.