SA KABILA ng mga reklamo ng mga estudyante at propesor ng Faculty of Engineering, hindi pa rin naisaayos ang mga lumang air-conditioning units ng Roque Ruaño Building.

Ayon kay Genesis Tan, pangulo ng Engineering Student Council, matagal na nila itong inirereklamo kay Vice-Rector for Finance Fr. Roberto Pinto, O. P. Pinalitan na umano ng Watari Services ang ilan sa mga compressor ng mga air-conditioning units ng bawat kuwarto ngunit mainit pa rin ang mga ito.

“Noong July 30, (nagtanggal ang Watari) ng nine units para palitan ang compressor. Kinabit uli nila ‘yung mga natapos pero the following day noong nag-rounds kami ganoon pa rin,” sabi ni Tan.

Dahil dito, sinulatan ulit ni Tan si Fr. Pinto upang hingin ang agarang pag-aayos sa mga air-con matapos magreklamo ulit ang mga guro at estudyante na walang pagbabago at mainit pa rin kahit sinasabing “inayos” na ang mga air-con.

Sa sagot niya sa sulat ni Tan, sinabi ni Pinto na binibigay nila (UST administration) sa Watari Services ang buong buwan ng Agosto upang ayusin ang mga depektibong air-con.

“If (Watari’s) services would not be satisfactory, we would terminate (the) said agreement,” ayon sa liham ni Pinto.

Ngunit ikinabahala rin ito ni Tan.

“Kung (papalitan nila ang Watari), sino ang magte-take charge? Bibigyan na naman ba ng one month (‘yung papalit)? Baka matapos ang buong (semester) na (hindi naayos ang mga air-con),” sabi ni Tan.

Sinabi rin ni Pinto sa kanyang liham na isang “collective effort” ang kailangan upang bigyang-solusyon ang naturang problema.

Ayon sa kanya, malaki ang naidagdag sa pagkasira ng mga air-con ang madalas na pag-iwan sa mga pintuan nang nakabukas habang umaandar ang mga ito.

READ
Muling pagsisid ni Intoy

Ngunit para kay Tan, ang hindi palagiang pagtingin sa kalagayan ng mga air-con ang naging problema.

“Mayroong budget (na) alloted para sa maintenance pero hindi naman nagtse-check. Mag tse-check lang kung sira na. (Dapat) every three months (ang checking) kasi ‘yun ang standard sa pag-check ng air-con,” sabi ni Tan. Teodoro Lorenzo A. Fernandez

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.