NOONG nakaraang taon, hinirang si Fr. Nereo Page Odchimar ng Mahal na Santo Papa bilang pinakabagong obispo ng Diyosesis ng Tandag, lalawigan ng Surigao del Sur.

Ipinanganak si Obispo Odchimar noong Oktubre 16, 1940 sa Bacuag, Surigao del Norte. Tinapos niya ang kursong Philosophy sa Sacred Heart Seminary, Palo, Leyte at Theology sa San Carlos Seminary, Makati. Naordenahan siya sa pagkapari noong Dec. 19, 1964.

Tomasino Siya

Pumasok siya sa UST Central Seminary at nag-aral sa Faculties of Ecclesiastical Studies nang taong 1980. Nagtapos siya ng Bachelor in Canon Law (cum laude) noong 1981, Licentiate in Canon Law (magna cum laude) noong 1982, at Doctorate in Canon Law (magna cum laude) noong 1983. Nagturo rin siya ng Jurisprudence sa Faculty of Canon Law.

Katunayan sa kanyang coat of arms, makikita sa tuktok ng kanyang insignia ang krus ni Santo Domingo, bilang pagpugay sa Unibersidad ng Santo Tomas.

Mula 1965 hanggang 1977, kabilang siya sa kaparian ng Diyosesis ng Surigao, kung saan nagsilbi siya sa apat na parokya.

Sa Arkidiyosesis ng Maynila, nagsilbi siyang pastor sa apat na parokya—ang Tondo, Masambong, San Francisco del Monte at Muntinlupa. Naging kasapi rin siya ng College of Consultors ng nasabing arkidiyosesis.

Bago siya nahirang ng obispo ng Vatican, nagsisilbi siya bilang kura paroko ng Most Holy Redeemer Parish sa Araneta Ave., Quezon City. Naging associate judge rin si Monsignor Odchimar sa National Appellate Matrimonial Tribunal at Judicial Vicar ng Metropolitan Matrimonial Tribunal ng Cagayan de Oro.

Inordenahan si Monsignor Odchimar sa pagka-obispo ni Jaime Cardinal Sin, D.D., Arsobispo ng Maynila, noong Nobyembre 27, 2001 sa Katedral Basilika ng Maynila sa Intramuros.

READ
A case of theft

Mga Sanggunian

Sem. Carmelo Arada, UST Central Seminary

Invitation/Booklet to the Episcopal Ordination of Most. Rev. Nereo Page Odchimar, D.D.

UST Alumni-Priests Association Handbook

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.