Isa sa pinakamaagang naglabas na kaniyang campaign material si Pangulong Macapagal -Arroyo sa pamamagitan ng “Macapagal Money,” ang dalawang-daang pisong perang papel, kung saan pangunahing persona ang mag-amang Macapagal. Sa ilang buwang nasa sirkulasyon ang pera, kapansin-pansin na nauna pang malagay ang “tagumpay” ng nakaraang EDSA 2 sa pera kaysa sa orihinal na EDSA revolution. Bagama’t siguradong marami ang hindi sang-ayon, tagumpay nang masasabi ang EDSA 2. Subalit mas mahalagang tagumpay ang nakamit sa orihinal na rebolusyon sa EDSA —ang demokrasyang ipinagkait nang halos dalawang dekada at hindi pagpapatalsik lamang sa isang pinunong tinangkang ipuslit ang eleksyon noong 1986. Kung bakit naunan mailathala sa salapi ang EDSA 2, marahil si Pangulong Macapagal-Arroyo lamang ang makasasagot. Samantala, may isang taong nagbuwis ng buhay noong bago ang orihinal na rebolusyon sa EDSA ang nakakalimutan na. Nasa limang-daang piso nga siya, subalit wala pa rin siyang nakakamit na katarugan.

* * *

Labing-siyam na taon matapos ang malagim na kamatayan ni Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. sa Tarmac Airport, wala pa ring katarungan para sa kaniya. Waring nakalimutan na ng mga Pilipino ang kaniyang buhay na halimbawa ng makabagong kabayanihan.

Noong nakaraang Agosto 21, anibersarsyo ng kaniyang kamatayan, napako ang aking atensyon sa isang dokumentaryong palabas tungkol sa buhay ni Ninoy na nagbigay na mahabang panahon sa mga karanasan niya noong panahon ng martial law kung paano niya sinalungat ang rehimeng Marcos.

Labing-siyam na taon bago ko nakilala nang higit sa pagiging persona ng limang-daang piso si Ninoy, na para sa karamihan ay imahen ng kalungkutan. Subalit para sa akin ngayon, sagisag iyon ng kaniyang pagiging, matatag gamit ang lakas ng isip at ng pananampalataya.

READ
Trip to Jerusalem

Kung may salitang hihigit sa paghanga, iyon marahil ang aking naramdaman nang malaman kung paano niya sinalungat si G. Marcos at binata ang hirap ng panggigipit nito sa kaniya.

Ang talas ng kaniyang isip at tapang ng kaniyang kalooban ay ang naging sandata niya laban sa mga pagsubok na ibinigay ng panahon sa kaniyang buhay.

Pulitiko man siyang matatawag dahil naging bahagi ng lehislatura, hindi tradisyunal kundi isa siyang ulirang public servant. Ang katangiang ito ang nagbigay sa kanya ng katanyagan na naging daan para makuha niya ang suporta ng mga PiIipino dahilan kung bakit naging isang dagok na nagbabadyang tumapos sa ambisyong pulitikal ni G. Marcos.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.