PINARANGALAN ng UST ang mga Thomasian Achievers ng taon sa isang testimonial dinner sa Main Building lobby noong Agosto 3.

Kabilang sa mga pinarangalan sina Valarie Ku, Franco Larcina, Arnel Ordas, Enrique de la Cruz, Reyann Kong, at ang UST Singers.

Kabilang si Ku sa Ten Outstanding Students of the Philippines (TOSP) ngayong taon. Nagtapos siya ng Chemical Engineering bilang summa cum laude at naging delegado ng Ayala Young Leaders Congress. Isa rin siyang BPI Science Awardee noong nakaraang taon at aktibong miyembro ng Binondo Chinese Parish.

Pinarangalan din si Larcina, estudyante mula sa Graduate School, bilang over-all best speaker mula sa kabuuang bilang na 164 debaters sa nakaraang 8th All Asian Inter-University Debate Championship.

Samantalang tinanghal naman bilang Masters of the Competition Champion sa nakaraang debate kalaban ang mga Asian Champions sina Dela Cruz at Ordas, mga miyembro ng Philippine team.

Tinanghal namang Outstanding Delegate of the Forum sa nakaraang Third Association of South East Asian Nations (Asean) Youth Council na ginanap sa Thailand noong Mayo 20-26 si Kong, ang kauna-unahang Tomasinong delegado sa nasabing international youth congress. Kasalukuyan siyang punong patnugot ng Varsitarian.

Bukod dito, pinarangalan din ang UST Singers na tinanghal na Best Choir of the Festival, matapos lumahok sa nakaraang World Concert Tour 2001 na ginanap sa Pueblo, Mexico, kalaban ang 13 grupo ng mang-aawit mula sa Europa, Latin America, at Asya.

Nakabilang naman sina Niño Jesus Rañeses at Mary Jane Mañalang sa 30 finalists na napili sa nakaraang TOSP.

Nagtapos ng kursong Legal Management sa Faculty of Arts and Letters bilang cum laude ang nakatanggap ng Quezon Leadership Award na si Rañeses. Siya rin ang pangulo ng Balikatan sa Kaunlaran.

READ
Walang batas para sa 'mandatory drug test'

Samantala, mula naman sa College of Commerce at cum laude sa kursong Information System Management si Mañalang, ang nakatanggap ng Rector’s Award for Academic Excellence. Karen M. Peña

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.