“IN OTHER universities, they say: ‘You are just students.’ Here, ‘You are our students’ and we love you because you are part of the Thomasian community.”

Ito ang sinabi ni Rektor P. Tamerlane Lana, O.P. sa kanyang Rector’s end-of-term report (1998-2002) sa mga estudyante, noong Agosto 7, sa Thomas Aquinas Research Complex seminar rooms.

Ang end-of-term report ay ang detalyadong bersiyon ng mga sinabi ni P. Lana sa kanyang reinstallation noong Hunyo 26 sa UST chapel.

Ayon kay Padre Lana, si Punong Kalihim P. Winston Cabading, O.P. ang nakaisip na magkaroon ng report at mga estudyante ang imbitahin at hindi ang mga miyembro ng akademya tulad ng nakagawian. Pumayag siya dahil naisip niyang karapatan ng mga estudyanteng malaman ang mga pangyayari sa UST dahil isa silang mahalagang parte nito.

“I want you to join me in dreaming. Sometimes, we, old people, tend to be so realistic that we stop dreaming. But you young people inspire us to keep on dreaming,” sabi ni P. Lana.

Sa talumpati ng Rektor, inilahad niya ang mga tagumpay na nakamit ng UST simula sa unang taon ng kanyang termino noong 1998.

Hinati ni Padre Lana sa limang pangkat ang mga naturang tagumpay: sa pagbuo ng mas malakas na Katolikong komunidad sa akademiya; sa kataasan ng uri ng edukasyon; sa pagtutulungan para sa pamamahalang service-oriented; sa serbisyo at pananaw pang-estudyante; at sa mga suporta ng mga pasilidad.

Ngunit binigyang diin ni Padre Lana na dapat huwag masyadong umasa sa mga nakamit na mga tagumpay ng Unibersidad, kundi mas lubusang harapin ang mga dapat mangyari pa.

READ
Losing the faith

“We should not bank on our glorious past to proclaim our excellence,” dagdag ng Rektor.

Bukod dito inilahad din niya sa mga estudyante ang kanyang mga plano para sa Unibersidad.

Nais ni Padre Lana na paunlarin ang faculty profile ng UST. Ayon sa kanya, gumagawa ang Unibersidad ng mga hakbang para mahikayat ang mga propesor na kumuha ng master’s o doctorate degrees upang mas mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa UST.

Dagdag pa rito, gusto ni Padre Lana na maitaguyod ang transparency sa pagitan ng adminstrasyon at mga estudyante. Gusto ni Padre Lana na magkaroon ng mga aktibidad kung saan mayroong direktang interaksyon ang administrasyon at ang mga estudyante. Isang pangunahing hakbang na rito ang end-of-term report niya.

Nais din ng Rektor na magkaroon ang UST ng ugnayan sa iba pang mga unibersidad. Ayon kay Padre Lana sa pamamagitan nito ay mas mapapaunlad ang pampublikong imahen ng UST, hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa.

Plano rin ni Padre Lana na mapaunlad ang kalidad ng pananaliksik ng UST.

“We should be able to produce researches worthy of a Nobel Prize,” sabi niya. “But, with regard to this, we still have to keep on dreaming and struggling.”

Samantala nabigyan ng pagkakataon ang mga estudyante ng UST na ilahad ang kanilang mga hinaing sa open forum pagkatapos ng report ng Rektor. Tungkol sa accreditation ng UST ang reklamo ng karamihan. Tinanong ng mga estudyante ng College of Nursing at Faculty of Arts and Letters (AB) kung ano ang gagawin ng Unibersidad para sa accreditation ng kanilang mga Kolehiyo at Fakultad.

READ
Parokya ni Edgar rocks UST

Ngunit sinabi ni P. Lana na kailangan munang para pagbutihin ang faculty profile ng Unibersidad para mataasan ang level of accreditation nito.

Inilahad naman ng mga estudyante ng Faculty of Civil Law kay Padre Lana na kulang ang kagamitan at pondong ibinibigay ng Unibersidad para sa bar operations.

Ayon naman sa Rektor, hindi siya ang tagapangasiwa ng mga student funds, ngunit siniguro niya sa mga estudyante na ikukunsulta niya ito sa Vice Rector for Finance.

Samantala, nagustuhan ni Jose Ramon Amanse, pangulo ng AB Student Council ang end-of-term report ng Rektor.

“The event was successful. There was really interaction between the Rector and the students. I hope the complaints will be acted upon,” sabi ni Amanse. Elka Krystle R. Requinta at Jennifer B. Fortuno

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.