DALAWANG pahayagang mag-aaral mula sa Unibersidad ang nagkamit ng parangal mula sa ika-26 Catholic Mass Media Awards (CMMA) noong Oct. 12 sa Henry Lee Irwin Theater, Ateneo de Manila University.

Tinanghal ang Dapitan ng Faculty of Arts and Letters bilang Best Literary Publication for College at ang Inter nos ng Faculty of Sacred Theology bilang Best Student Organ for College ng CMMA.

Isang dating patnugot ng Varsitarian ang pinarangalan din ng CMMA ng Best Short Story for Adult. Nanalo si Louie Jon Sanchez, katuwang na patnugot noong taong 2001-2002, para sa “Ang Maglakad sa Tubig,” na nailathala sa Gospel Komiks: Magazine for Young People.

Love for God, Love for Truth, Love for Natural Environment, Promotion of Positive Filipino Values, at Love for Family Life ang mga batayan ng CMMA sa pagbibigay ng parangal.

Taunang nagbibigay ng parangal ang CMMA mula pa noong 1978 sa mga magagaling na mamamahayag at pahayagan ng telebisyon, radyo, at dyaryo rito sa bansa, sa pangunguna ng Achdiocese ng Maynila. Richard L. Rodriguez

READ
Eve

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.