IPINALIWANAG sa isang seminar na pakana ng mga Amerikano ang masasamang persepsyon sa mga Tsino na nagdulot sa pagdistansya ng mga Pilipino sa kanila.

Ayon sa “The Chinaman Problem: U.S. Empire Building in the Pacific, 1850-1935,” ni Dr. Richard Chu, isang mananaliksik sa History Department sa Unibersidad ng Massachusetts, napagtanto ang sanhi ng lamat sa relasyon ng mga Tsino sa mga Pilipino sa pamamagitan ng pagtutulad ng silanganing wika at imahen na ginamit ng mga Amerikano laban sa mga Tsino sa huling yugto ng ika-20 siglo.

Ayon sa saliksik ni Chu sa The Visiting Researcher Lecture Series 2005 ng UST Center for Intercultural Studies, na ginanap noong Hulyo 14 sa Tanghalang Teresa Quirino sa Garduate School (GS), nagawang “paglayuin” ng mga Amerikano ang mga Pilipino at mga Tsino sa pamamagitan ng pagbansag sa mga Tsino bilang mga “aliens.” Binanggit din ni Chu ang pagharang ng mga Amerikano sa mga mixed marriages.

“By denying Chinese men Filipino citizenship and making it difficult for them to acquire it, the U.S. colonial regime discouraged local women from marrying the Chinese, for this would produce children who would be regarded too as “aliens,” ani Chu.

“I argue that discriminatory images were used to justify the anti-Chinese laws implemented by the Americans to the Filipinos,” dagdag ni Chu.

Ayon sa kanyang pananaliksik, nang sinakop ng mga Amerikano ang Pilipinas, biglang nabago ang pamumuhay ng mga simple at tahimik na mga Tsino na binansagan ng mga bagong mananakop na mapanganib at tuso. Sa katunayan, gumawa ang mga Amerikano ng mga batas laban sa mga Tsino upang panghitakutan at iwasan sila ng mga Pilipino. Nagpatuloy din ang “demonization” ng mga Tsino, mula 1910 hanggang 1930, sa paglalarawan sa kanila bilang nga gumagamit ng opyum at kakompitensya sa trabaho ng mga Pilipino. Bagama’t dekada ang lumipas upang makamit nila ang kanilang ninanais, makikita pa rin ang mga ito hanggang ngayon.

READ
Teatro launches twin-bill production

Sinabi ni Chu ang Chinese Exclusion Act of 1882 sa Estados Unidos, na agad na iniutos na ipatupad sa Pilipinas nang nasakop ito ng mga Amerikano.

Inihayag din niya na kahit nagkaroon ng mga tinatawag na “Chinese-Filipino” sa ating kultura, doble-kara ang ito. Nagbibigay ito ng nananatiling tensyon sa gitna ng dalawang nasyonalidad ngunit ito rin ang nagiging paraan upang magkaroon ng pakakaintindihan at pagkakaisa sa parehong lahi.

Nilayon ng talakayan, na isinaayos ng GS at Center for Intercultural Studies, ang nag-organisa sa talakayan sa pakikipagtulungan ng UST Office for Research and Development, na mapalawig ang kaalaman ng mga Pilipino ukol sa kasaysayan ng mga Tsino sa bansa sa pamamagitan ng transnational approach, at bigyan-diin ang impluwensya ng kolonisasyon ng Amerika sa Pilipinas sa kontemporanyong Filipino-Chinese ethnic relations. B. P. Sales at J. dL. Yamzon

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.