Tag: Agosto 6, 2005
Truth commission, iginiit ng CBCP
BAGAMAT may mga bumabatikos sa pagtatag ng Truth Commission upang siyasatin ang mga paratang laban kay Pangulong Macapagal-Arroyo, idiniin pa rin ng mga Obispo na isa itong paraan upang ituwid ang krisis pulitika sa bansa.
Salonga: Kailangan ng responsableng hudikatura
NANAWAGAN ang dating Pangulo ng Senado na si Jovito Salonga sa mga hues at mahistrado ng bansa na maging responsable sa kanilang gawain.
“Karapatan ng mga Pilipino na magkaroon ng mga hues na tapat at walang pinapanigan, lalo na ngayon at may mga krisis na nararanasan ang bansa,” ani Salonga sa kanyang talumpati, “Maintaining Public Faith and Confidence in the Judiciary,” sa 7th Chief Justice Hilario G. Davide, Jr. Distinguished Lecture sa Thomas Aquinas Research Center noong Hulyo 28.
Miguel de Benavides, pundador ng UST, binigyang pugay
MAKALIPAS ang apat na daang taon ng pagpanaw ni Msgr. Miguel de Benavides, O.P., buhay na buhay ang paaralan na minsa’y mistulang pangarap lamang.
Ginunita ng mga Tomasino ang ika-apat na sentenaryo ng pagkamatay ni Benavides, kinikilalang nagtatag ng Unibersidad at ikatlong arsobispo ng Maynila, noong Hulyo 26.
“Hindi lamang basta nangarap si Msgr. Miguel de Benavides,” ani Arsobispo Gaudencio Rosales sa isang misa para kay Benavides sa Manila Cathedral. “Ginawa niya ang lahat para matupad ang mga pangarap niya.”
Tomasinong ballerina, tagumpay sa patimpalak
HINDI naging hadlang ang edad ng isang Tomasinong ballerina upang makamit ang kauna-unahang silver medal ng bansa sa isang pandaigdigang kumpetisyon sa ballet.
Nanalo si Christine Rocas, 18, at alumna ng UST High School, sa ikawalong New York International Ballet Competition (NYIBC) sa Estados Unidos. Ipinagkaloob din kay Rocas ang Arpino Award kasama ang scholarship sa Joffrey Ballet, isang prestihiyosong ballet company sa Chicago.
Walang nagkamit ng gold medal samantalang napunta ang bronze medal sa Hapon na si Hanae Seki.
Mga pari, pinasalamatan
Tungkulin ng komunidad na ipagdasal ang kanilang mga pari upang lalo silang maging matapat at mapagpasalamat sa kanilang bokasyon.
Sa ginanap na “Week of Prayer and Gratitude for Priests” noong Hulyo 25-29, nag-alay ng mga dasal ang mga Tomasino para sa “sanctification” ng mga pari ng UST.
“They also need attention and care from the community,” ani Institute of Religion propesor Celso Nierra. “They need our prayers because some of them are lonely and are susceptible to temptations.”
Mga Tomasino, walang kaisahan sa krisis
LUMABAS sa pagkukuro na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa Faculty of Civil Law, Alliance of Concerned Thomasians (Act-Now), Legal Management Society, at mga partidong pulitikal na Lakas Tomasino at Alyansa ng Kristiyanong Lakas (Aklas), na walang iisang posisyon ang mga Tomasino.
Ayon kay Christer Gaudiano, presidente ng Lakas Tomasino, mahalaga na may paninindigan ang mga mag-aaral.
“Lahat tayo nagnanais ng pagbabago subalit bago sana tayo lumabas sa kalye at humingi ng pagbabago, baguhin muna natin ang ating mga sarili,” ani Gaudiano.
Mga VIPs na bumisita sa UST
KARANGALANG maituturing ang makadaupang-palad ng ilang mahahalagang personalidad na ni sa panaginip ay hindi mo aakalaing makita.
Mapalad ang Unibersidad dahil ilang beses na itong nabigyan ng pagkakataong maipagmalaki ang kagandahan at kagalingan ng bansa, maging ng buong mundo.
Lubos na pagmamahal
PAANO masusukat ang pagmamahal ng isang ina?
Para kay Gianna Molla, walang hihigit pa sa wagas na pagmamahal ng isang ina na handang i-alay ang kanyang buhay para sa kanyang anak. Naipamalas ni Gianna ang pagmamamahal na ito nang isakripisyo ang kanyang buhay upang maisilang ang sanggol sa kanyang sinapupunan.
Dahil sa kanyang taos-pusong pagpapahalaga sa buhay, hinirang siyang santa noong Mayo 16, 2004 ng yumaong si Pope John Paul II sa St. Peter’s Basilica.
Ang batang Gianna
Mga Hulug-hulugang pangarap
MULING pinatunayan ng Simbahang Katoliko na walang pagkiling sa partikular na relihiyon ang tunay na pagtulong sa kapwa sa pamamagitan ng Pondo ng Pinoy (PnP), ang programang inilunsad ni Arsobispo Gaudencio Rosales ng Maynila. Kabilang si Menandro Diaz, isang Protestante, sa mga sinuportahan ng PnP para mapaunlad ang kanyang kabuhayan.
Isa si Diaz sa mga libu-libong katutubo sa lungsod ng Cavite na naninirahan sa dikit-dikit na hilera ng mga barung-barong na nakatayo sa dalampasigan mismo ng look ng Bacoor.
Centennial committee, inilunsad
Seryoso ang Unibersidad sa paghahanda para sa ika-400 na anibersaryo ng UST matapos nitong ilunsad ang UST Centennial Committee.
Pinasinayaan ang mga klaster ng committee gayon din ang kanilang mga “flagship projects” sa susunod na apat na taon sa isang dinner-concert noong Hulyo 26, ang ika-400 anibersaryo ng kamatayan ni Msgr. Miguel Benavides, O.P.