Friday, May 3, 2024

Tag: Agosto 6, 2005

Pagkamatay ng sarsuela

“LAOS na ang tanghalan. Iba na ang uso ngayon,” wika ng kaibigan ni Valentin, ang pangunahing tauhan sa sarsuelang Ang Palasyo ni Valentin ni Mario O’ Hara (UP Press, 2003).

Dibuho, imahen, at musika

SA IKALAWANG pagkakataon, muling nagpakita ng angking talento ang mga dalubhasa sa sining ng musika, pagpipinta, at panulaan sa nakaraang Brushes with Words and Chords II ng Center for Creative Writing and Studies (CCWS), College of Fine Arts and Design (CFAD), at Conservatory of Music na tinanghal sa Museum of Arts and Sciences noong Hulyo 5.

Upang maipakita ang kagandahan ng pagsasama-sama ng tatlong sining, binigyan ng pampanitikang interpretasyon ang mga dibuho sa pamamagitan ng tula, na nilapatan naman ng musika habang binabasa ang mga ito.

Ebolusyon, ilusyon?

ISANG teoryang ukol sa pinagmulan ng tao na tinanggap at nagtagal ng maraming taon ang teorya ng ebolusyon ni Charles Darwin. Sa mahabang panahon, inakala ng marami na tanggap na ng Simbahan ang konsepto ng ebolusyon ni Darwin. Ngunit binasag ang katahimikang ito ng obispo ng Vienna, Austria na si Christoph Cardinal Schönborn.

Agham sa wikang Filipino, bakit hindi?

Normal ang tawanan sa klase ni Dekano Fortunato Sevilla III ng UST College of Science. Ayon sa estudyante niyang si Hazel Leque, ikatlong taon sa Chemistry, kwela at hindi nakakaantok ang mga leksyon niya dahil sa kakaiba ngunit epektibong istilo—ang pagtuturo ng agham sa salitang Filipino.

“Mas nagiging aktibo kami sa klase dahil nawawala ang formality,” ani Leque. Ayon sa kanya, higit nilang naiintindihan ang mga mahihirap na aralin sa chemistry dahil sa pagsasalita ng kanilang propesor sa Filipino.

Ang makatang siyentipiko

SA PAGDAAN ng panahon, unti-unting nakikita at nararamdaman ang paglapit ng agham at panitikan, na kadalasang itinuturing na dalawang magkalayong mundo. Ngunit sa mas masusing pagsusuri, makikitang ang agham, sa paraan ng kanilang pag-aaral, ang mismong lumalapit sa mundo ng panitikan.

“Nagkakaiba lang naman ang agham at panitikan sa pagharap at pagtugis nila sa mga bagay-bagay. Gayunpaman, maaari pa rin silang pagsamahin,” sabi ni Dr. Cirilo Bautista, isang kilalang manunulat.

Ang ‘problema’ sa pagtulong sa problema

KAPAG tumulong ang isang tao sa may matinding suliranin, nararanasan din ng tumulong ang mismong suliranin na iyon, ayon sa isang Tomasinong eksperto sa traumatic stress.

Kailangan ang pagbabago

KAMAKAILAN lamang, inihayag ni Pangulong Macapagal-Arroyo ang kanyang State of the Nation Address (SONA) sa harap ng mga kinatawan at mga senador ng Republika.

Tulad ng inaasahan, ilang mga senador at mga kinatawan, na kasapi sa oposisyon, ang hindi sumipot sa naturang okasyon.

Nakakalungkot isipin na punung-puno ng mga pulitikong walang malasakit sa bayan ang ating Kongreso. Mas pinipili pa nilang bigyang-diin ang kanilang mga pansaraling interes kaysa sa ikabubuti ng nakararami.

Bangaan sa Central Student Council

HABANG patuloy pa rin ang hidwaan sa pamahalaan dulot ng kontrobersyal na “Gloriagate” tapes, nagkakaroon din ng sariling alitan ang mga kasapi ng Central Student Council (CSC) matapos maglabas ng kani-kanilang pahayag ang iba’t ibang samahan sa Unibersidad kaugnay ng pambansang krisis.

Ang pagkakaroon ng CSC ng dalawang sangay—ang Executive Board at ang Central Board—ay dahilan marahil sa tila hindi matapos na sakit ng ulo ng CSC.

Bigyan ng pagkakataon

Katatapos lang ng pinakaaantay na State of the nation address ng Pangulo. Marami na namang pangako ang nabitawan ng Pangulo sa kanyang administrasyon. Ngunit ang pinakapokus ng kanyang Sona ay ang tungkol sa charter change na kung saan hati ang opinion ng bawat Pilipino dulot pa ng oposisyon na walang magawa kundi punahin ang bawat kilos na ginagawa ng gobyerno.

***

Nagbibingi-bingihan sa Cha-cha

NAKINIG ba ang mga kongresistang kakampi ng administrasyon habang nagtatalumpati ang Pangulo noong Hulyo 25? Marahil, si G. Jose De Venecia, nakikinig. Tumayo ba naman at pumalakpak nang halos abutin na niya ang ulo ng Presidente. Aakalain mong sa kanyang pagyuko baka mapompyang ng kanyang mga kamay ang ulo ni GMA.

LATEST