Tungkulin ng komunidad na ipagdasal ang kanilang mga pari upang lalo silang maging matapat at mapagpasalamat sa kanilang bokasyon.
Sa ginanap na “Week of Prayer and Gratitude for Priests” noong Hulyo 25-29, nag-alay ng mga dasal ang mga Tomasino para sa “sanctification” ng mga pari ng UST.
“They also need attention and care from the community,” ani Institute of Religion propesor Celso Nierra. “They need our prayers because some of them are lonely and are susceptible to temptations.”
Binigyan din ng parangal ang mga regents ng mga kolehiyo at pakultad bilang sukli sa kanilang paglilingkod sa Unibersidad.
Nais naman ni Secretary-General P. Isidro Abaño, O.P., na ipanalangin ng mga Tomasino na magkakaroon ng respeto ang mga tao sa iba’t ibang “vocational expressions” ng mga pari sa larangan ng edukasyon, medisina, social welfare, at maging sa pulitika.
“Every priest has his own gift of vocational expression which has to be respected,” ani Abaño. “Because all these gifts were drawn from one source—the priesthood in Christ.”