NANAWAGAN ang dating Pangulo ng Senado na si Jovito Salonga sa mga hues at mahistrado ng bansa na maging responsable sa kanilang gawain.

“Karapatan ng mga Pilipino na magkaroon ng mga hues na tapat at walang pinapanigan, lalo na ngayon at may mga krisis na nararanasan ang bansa,” ani Salonga sa kanyang talumpati, “Maintaining Public Faith and Confidence in the Judiciary,” sa 7th Chief Justice Hilario G. Davide, Jr. Distinguished Lecture sa Thomas Aquinas Research Center noong Hulyo 28.

Iginiit ni Salonga na hindi dapat maimpluwensiyahan ng kamag-anak at kaibigan ang desisyon ng hues sa mga kasong nakasala sa kanyang korte.

“Dapat walang pinapanigan ang isang responsableng hurado, lalo na sa isang bansang may pagpapahalaga sa pamilya, upang mapanatili ang kaayusan ,” aniya.

Ayon kay dating Supreme Court Associate Justice Ameurfina Melencio-Herrera, angkop sa sitwasyon ng bansa ang talumpati ni Salonga.

“Isang bahagi ang hudikatura sa pagpapati bay ng isang bansang nasa gitna ng krisis,” ani Herrera, pinuno ng Philippine Judicial Academy.

Sinabi rin ni Salonga na dapat pangatawanan ng mga hues ang espada at timbangan, simbolo ng hustisya.

“The sword is the symbol of authority by which justice is done, and the scale, the symbol of impartial judgment.”

Naging abogado si Salonga noong 1945. Nahalal siyang senador noong 1982 at naging Senate President siya noong 1987-1992.

Naisagawa ang lecture sa tulong ng Supreme Court at ng Philippine Judicial Academy kasama ang Faculty of Civil Law, Graduate School at UST Graduate School Association.

READ
Drifter

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.