Seryoso ang Unibersidad sa paghahanda para sa ika-400 na anibersaryo ng UST matapos nitong ilunsad ang UST Centennial Committee.

Pinasinayaan ang mga klaster ng committee gayon din ang kanilang mga “flagship projects” sa susunod na apat na taon sa isang dinner-concert noong Hulyo 26, ang ika-400 anibersaryo ng kamatayan ni Msgr. Miguel Benavides, O.P.

Ayon kay Dr. Christina Cabral, direktor ng Public and Alumni Affairs Office at chairman ng Centennial Executive Committee, simula ngayong taon, magkakaroon ng malawakang paghahanda ang Unibersidad sa ilalim ng temang, “UST 2011: Unending Grace”.

Ani Cabral, nagtalaga ng apat na school year para sa paglulunsad ng mga proyekto ng komite.

“We will play with the number four,” aniya. “So we have lined up a lot of activities for the academic years 2007 to 2008, up to 2010 to 2011.”

Mayrong iba’t ibang tema ang bawat taon na hinango mula sa University Hymn. “Drawing from the fountain of the purest light” ang tema para sa 2007-2008 samatalang “Touching with the flame of your kindness” naman ang para sa 2008-2009. Sa 2009-2010 isasagawa ang mga proyekto sa ilalim ng temang, “Dreaming beyond our seeing.” Dadalhin naman ng huling taon ang pangkalahatang tema ng pagdiriwang, “Unending grace.”

Ipinaalam sa naturang pagtitipon ang nalalapit na paligsahan sa pagguhit ng Centennial logo sa Agosto at paglikha ng Centennial Song.

Magkakaroon rin ng pagligsahan sa pagdidisenyo ng Centennial commemorative stamp na inaasahang lalabas sa 2011, sabi ni Cabral. Gagantimpalaan ang mga mananalong likha sa mga naturang paligsahan sa Abril 28, ang ika-396 anibersaryo ng UST.

READ
UST naghahanda para sa satellite campus sa Baguio

ipinakita rin ng komite ang pinasadyang centennial commerative cover o envelope na may 2000 kopya na mabibili sa halagang P100 bawat piraso sa mga koreo ng Metro Manila.

Sinabi ni Rektor P. Tamerlane Lana, O. P. sa kanyang talumpati na inilunsad nang maaga ang paghahanda para sa ika-400 taon ng Unibersidad upang magkaroon ng mahabang panahon para himukin ang mga opisyal, dekano, benefactors, at mga alumni ng Unibersidad na mag-alay ng serbisyo o pondo para maisagawa ang mga proyekto mg komite.

Binubuo ng iba’t ibang sektor ng Unibersidad ang Centennial Committee na itinatag ni Lana noong Abril. Ang mga pinuno nito ang magsisilbing pinuno rin ng mga klasters ng Centennial Executive Committe.

Isa sa mga ito ang Spiritual and Religious cluster sa pamumuno ni P. Clarence Marquez, O.P. ng Institute of Religion. Ito ang maglalabas ng mga Spiritual Manifesto at Pastoral Encyclical ng rektor sa bawat taon ng selebrasyon.

Itinalaga naman ang Academic Cluster, sa ilalim ni Vice- Rector for Academic Affairs Armando de Jesus, upang pangasiwaan ang mga plano sa larangan ng edukasyon, kultura, at palakasan.

Si Dr. Gloria Bernas, director ng Thomas Aquinas Reseach Center, ang mamumuno sa Research Cluster. Ang klaster na ito ang magsasagawa sa ibayong pananaliksik ukol sa kasaysayan ng UST.

Samantala, ang Student Affairs cluster sa ilalim ni Dr. Evelyn Songco ang mamumuno sa mga Leadership Conferences na lalahukan ng mga mag-aaral. Si Joey Cruz III ng Office of Community Development cluster naman ang mamamahala sa mga proyekto para sa mga extended communities ng Unibersidad tulad ng Aeta Cultural Highschool at TOMAS o Technical Occupational Mobile Auxiliary School Bus, isang “rolling school” na magtuturo ng electronics sa iba’t ibang munisipalidad.

READ
Sinaunang agham Pinoy?

Pamumunuan ni Laura Suarez-Acuzar, pangulo ng College of Commerce Alumni Association, Inc., ang Finance Cluster. Marlene H. Elmenzo

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.