ALAM niyo bang muntik nang maging “University of the Philippines” ang UST noong 1870?

Noong 1870s, pinagbantaan ng mga rebolusyonaryong Filipino at mga Amerikano na buwagin ang UST dahil nasa ilalim ito ng mga Kastila.

Dahil ang UST na rin ang tumatayong departamento ng pampublikong edukasyon noon, napagkasunduan ng mga Dominikano at liberal na panatilihin na lang ang kasalukuyang pangalan nito, sa ilalim ng ilang kondisyon.

Iminungkahi ng mga rebolusyunaryo na gawing nasyonalista at “positivistic” ang oryentasyon ng paaralan. Ninais naman ng mga Amerikano na angkinin at ipasailalim ito sa sekular na pamantayan.

Upang maprotektahan ang Unibersidad at iba pang institusyong nasa ilalim ng Espanya, ang “Moret decrees” ang naging kasagutan; Dahil sa liberal na oryentasyon ng mga bumuo ng “Moret decrees”, hindi ito naging matagumpay dahil hindi sila nagtagal sa pamumuno sa Espanya. Mariing tinutulan din ito ng mga Dominikano dahil sa tangka nitong pagsasaliberal ng sistema ng pagtuturo sa UST.

Para pigilan ang mga kaaway nito, lalong pinaigting ang kurikulum ng mga kursong Medisina at Parmasya , upang manahimik muna ang mga pumupuna sa “mapamahiin at hindi makasiyensiyang” pagtuturo ng Unibersidad.

Sa paglipas ng panahon, lalo pang tumatag ang “tradisyunal” na oryentasyon ng UST nang ginawaran ito ng titulong “Pontifical” ni Pope Leo XIII, at nang ipinatayo ni Pope Pius X ang Central Seminary na nakadagdag naman sa pag-angat ng internasyunal na estado ng Unibersidad.

Magpasa-hanggang ngayon, patuloy pa rin ang UST sa pagpapayaman sa ispiritwal na kalinangan ng mga mag-aaral. Ito ang maipagmamalaki nitong malaking kaibahan sa lahat ng mga kakompetensyang pampublikong unibersidad, tulad ng mas nahuling itinatag na Unibersidad ng Pilipinas.

READ
Overseas workers as modern-day heroes

Tomasalitaan: Marasimas (pang) – tirang malamig nang pagkain; bahaw.

Halimbawa: Nagtiyaga na lamang sa marasimas, toyo at asin ang mga batang kalyeng hindi nakahalungkat ng ulam mula sa basurahan.

Sanggunian: “How UST survived the American century”

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.