UMARANGKADA ang UST sa nagdaang Pharmacy licensure examination noong Hulyo 4 at 5, at sa Nutrition and Dietetics licensure exam noong Hulyo 13 at 14.

Sa Pharmacy examinations, nakuha ni Sharlene Marie Lao, na may 90.3 porsiyentong marka, ang unang puwesto.Kasalukuyang freshman sa Faculty of Medicine and Surgery si Lao.

“Nakatulong sa akin ang mas pinaagang review course na ibinigay ng UST noong nakaraang semestre,” ani Lao.

Sina Maila Cecilia Jelaine F. San Jose (87.67 porsiyento), Marie Pearl Anne E. Basco (87.47 porsiyento), at Jelor R. Solomon (87.45 porsiyento) naman ang nagkamit ng ika-walo, ika-siyam, at ika-10 puwesto.

Bukod pa rito, UST din ang may pinakamaraming nakapasang estudyante ngayong taon. Sa 253 na estudyante mula sa Unibersidad na kumuha ng exam, 224 ang pumasa o 89 porsiyento. Mas mataas ito kumpara sa 79 porsiyentong passing rate ng nakaraang taon.

Ngunit pumapangalawa lamang ang Unibersidad sa Saint Louis University na may 96 porsiyentong antas ng pagpasa o 66 sa 69 sa kategoryang may 50 estudyante pataas na kumuha ng pagsusulit.

Sa 1,209 na kumuha ng pagsusulit, 669 ang nakapasa o 55.3 porsiyento ang national passing rate, ayon sa Professional Regulation Commission. Bumaba ito mula sa 56 porsiyentong passing rate ng nakaraang taon.

Samantala, dalawang Tomasino ang nakapasok sa sampung nangunguna sa Nutrition and Dietetics licensure exams.

Nakuha nina Maria Rinka L. Galang, na may 86.9 porsiyento at Miriniza D. Balatbat, na may 86.7 porsiyento, ang ikalawa at ikatlong posisyon. Mula sa 58 na kumuha ng pagsusulit, 48 ang nakapasa o 83 porsiyento ang passing rate ng UST. Mas mataas ito kumpara sa 79 porsiyentong passing rate na nakamit ng UST noong nakarang taon. Bukod pa dito, pumangatlo ang UST sa lahat ng paaralan na kumuha ng eksamen.

READ
Self-inflicted pain

Masaya naman ang administrasyon ng Nutrition of Education sa resulta ng eksamen.

“Walang pinagkaiba ang kurikulum namin ngayon sa nakaraang taon maliban na lamang sa mentoring program at seminar on psychological preparation,” ani ni Prof. Eva Olarte, pinuno ng Nutrition.

Limampu porsiyento ang national passing rate ngayong taon. M. M. Cruz, Adrian T. Elumba at K. R. Liu

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.