Tag: Nutrition boards
UST pumangalawa sa nutrition board exam
25 Agosto 2015, 10:41p.m. - MULING pumangalawa ang Unibersidad sa katatapos na Nutritionist-Dietician Licensure Examinations.
Batay sa resultang inilabas ng Professional Regulation Commission (PRC), nagtala ng 98.77 bahagdan na passing rate ang UST kung saan 80 sa 81 na kumuha ng pagsusulit ang pumasa. Ito ay higit na mas mataas sa 90.53-porsyentong passing rate ng Unibersidad noong nakaraang taon o katumbas ng 86 na mga Tomasinong pumasa mula sa 95 na kumuha ng pagsusulit.
Nasa ikapitong puwesto sa listahan ng 10 na nakakuha ng pinakamatataas na marka ang Tomasinong si Chelsea Rae Mercadillo, na nagtamo ng 83.15-porsiyentong passing rate.
UST muling pumangalawa sa Nutrition boards
02 Agosto 2013, 11:30 p.m. - NANATILI bilang pangalawang top-performing school ang Unibersidad sa nakalipas na Nutrition-Dietitian licensure examinations matapos bahagyang umangat ang marka nito sa 95.12-porsiyentong passing rate.
Ayon sa datos ng Professional Regulation Commission (PRC), 78 sa 82 na mga Tomasino ang pumasa sa nakalipas na pagsusulit–bahagyang mas mataas sa 93.9-porsiyentong passing rate noong nakaraang taon o 93 na mga Tomasinong pumasa mula sa 99 na kumuha ng pagsusulit.
Nutrition, PT pumangalawa sa board exams
HINIRANG muli na second top- performing school ang Unibersidad matapos nitong mapanatili ang mataas na marka sa nakaraang nutritionist-dietitian at physical therapist licensure exams.
Ayon sa datos ng Professional Regulation Commission (PRC), pumasa ang 93 na Tomasino mula sa 99 na kumuha ng nutritionist-dietitian exams na idinaos noong Hulyo. Ito ay nangangahulugang 93.94-porsiyentong passing rate para sa UST.
Nakamit ni Hannah Paulyn Co ang unang puwesto matapos magtala ng 87 porsiyento, samantalang ang mga Tomasinong sina Patricia Alyanna Cardoza (85.05 porsiyento) at Kevin Carpio (84.95 porsiyento) ang nakakuha ng ikatlo at ikaapat na puwesto.
UST, nanguna sa Pharmacy at Nutrition board exams exams
UMARANGKADA ang UST sa nagdaang Pharmacy licensure examination noong Hulyo 4 at 5, at sa Nutrition and Dietetics licensure exam noong Hulyo 13 at 14.
Sa Pharmacy examinations, nakuha ni Sharlene Marie Lao, na may 90.3 porsiyentong marka, ang unang puwesto.Kasalukuyang freshman sa Faculty of Medicine and Surgery si Lao.
“Nakatulong sa akin ang mas pinaagang review course na ibinigay ng UST noong nakaraang semestre,” ani Lao.
UST shines anew in three board exams
UST leaped the bar of excellence anew, registering impressive performances in three licensure examinations while making ripples in the individual test rankings.
Thomasian graduates stamped their class in the Pharmacy, Architecture, and Nutrition board examinations to reaffirm the University’s status as one of the best academic institutions in the country.
With four Thomasians landing in the top 10, UST emerged as the top-performing school in the Pharmacy board exam, posting a 91-per cent passing rate compared to a 57-per cent national passing mark.