25 Agosto 2015, 10:41p.m. – MULING pumangalawa ang Unibersidad sa katatapos na
Nutritionist-Dietitian Licensure Examinations.

Batay sa resultang inilabas ng Professional Regulation
Commission (PRC), nagtala ng 98.77 bahagdan na passing rate ang UST kung
saan 80 sa 81 na kumuha ng pagsusulit ang pumasa. Ito ay higit na mas mataas sa
90.53-porsyentong passing rate ng Unibersidad noong nakaraang taon o katumbas
ng 86 na mga Tomasinong pumasa mula sa 95 na kumuha ng pagsusulit.

Nasa ikapitong puwesto sa listahan ng 10 na nakakuha ng
pinakamatataas na marka ang Tomasinong si Chelsea Rae Mercadillo, na nagtamo ng
83.15-porsiyentong passing rate.

Samantala, muling naging top-performing school ang University
of the Philippines-Los Baños matapos magtala ng 100-porsyentong passing
rate.

Upang mapabilang sa listahan ng top-performing schools,
kinakailangang makapagtala ang isang paaralan ng hindi bababa sa
80-porsyentong passing rate, at mayroong 50 o higit pang bilang ng mga
kumuha ng pagsusulit. 

Bahagyang tumaas ang national passing rate para
sa taong ito
. Naitala ito sa 64.74 porsyento, katumbas ng 705 na
pumasa mula sa 1,089 na sumailalim sa pagsusulit, kumpara sa 63.59 porsyento
noong nakaraang taon o 634 na pumasa mula sa 997 na kumuha ng pagsusulit. K.
V. Baylon

READ
Nutrition, PT pumangalawa sa board exams

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.