02 Agosto 2013, 11:30 p.m. – NANATILI bilang pangalawang top-performing school ang Unibersidad sa nakalipas na Nutritionist-Dietitian licensure examinations matapos bahagyang umangat ang marka nito sa 95.12-porsiyentong passing rate.

Ayon sa datos ng Professional Regulation Commission (PRC), 78 sa 82 na mga Tomasino ang pumasa sa nakalipas na pagsusulit–bahagyang mas mataas sa 93.9-porsiyentong passing rate noong nakaraang taon o 93 na mga Tomasinong pumasa mula sa 99.

Nanatili namang top-performing school ang University of the Philippines-Los Baños ngayong taon na nagkamit ng 100-porsiyentong passing rate tulad noong nakaraang taon.

Nakamit ng Tomasinong si Jonathan Chua ang ikapitong pwesto sa Top 10 matapos magtala ng 85.35 porsiyento. Noong nakaraang taon, tatlong Tomasino ang napabilang sa Top 10, kung saan isang Tomasino rin ang nagkamit ng unang pwesto.

Bahagya ring bumaba ang national passing rate sa 64.36 porsiyento o 605 na mga estudyanteng pumasa mula sa 940 na kumuha ng pagsusulit. Noong nakaraang taon, 67.08 porsiyento o 601 mula sa 896 ang pumasa. J.C. R. Obice

READ
UST shines anew in three board exams

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.