IDENTITY crisis ang dahilan sa pagkakadawit ng mga Muslim sa terorismo, ayon kay P. Emilio Platti, O.P., propesor ng Islam Christianity sa Catholic Institute sa Pransya, sa diskursong “Islam Today” noong Agosto 11 sa Martyrs’ Hall ng UST Ecclesiastical Faculties.

“There is a contradiction between prayer and ‘jihad,’ with Moslem militants engaging in war. And because of this crisis in identity, Moslems are being linked to terrorism,” ani P. Platti.

Ipinaliwanag din ng eksperto sa araling Islam at wikang Arabic na kagustuhan ng mga Muslim na panatilihin ang tema ng pagkakaroon ng respeto sa kapwa upang maiwasan ang dinaranas nilang krisis ngayon.

“The Islamic world is searching for spiritual identity in some of their movements, and they feel that they have to fight the modern materialistic world which has no values of respect and compassion,” aniya.

Bahagi ang diskurso ng kurikulum na isinagawa ng mga madreng nabibilang sa Sisters’ Institute for Theological Formation, isang organisas-yong napapailalim sa Faculty of Sacred Theology ng UST upang tugunan ang pangangailangang panrelihiyon ng mga kababaihan.

READ
Los Angeles CSI is Thomasian

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.