Sunday, July 14, 2024

Tag: Agosto 31, 2004

Population control, kinontra

KUMAKAPAL na ang mga panukalang batas na inihain sa Kongreso para pigilin ang paglaki ng populasyon ng bansa, at isa rito ang two-children policy bill. Subalit mga eksperto mismo ang nagsasabi na ang mga ito ay hindi solusyon, sa halip, dagdag pa sa problema.

Upang magkaroon ng linaw ang isyu, isinagawa ng UST at ng American Studies Association of the Philippines ang talakayang “Facing the Population Crisis” na ginanap sa audio-visual room ng Faculty of Arts and Letters noong ika-28 ng Hulyo.

MLQ eksibit inilunsad

BILANG pag-alala sa dating Pangulong Manuel Quezon na tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa,” inilunsad ng Heritage Institute Center ang exhibit ng kanyang mga natatanging larawan sa bulwagan ng UST Central Library noong Agosto 19.

Tampok sa exhibit ang ilang mga eksena sa buhay ni Quezon, alumnus ng UST Faculty of Civil Law, noong panahon ng kanyang Commonwealth Government at mga piling personal na larawang mula pa sa filipiniana collection ni Nestor Vera Cruz.

CFAD naglunsad ng patimpalak

Pormal na binuksan ang “Stylish Comfort for Community Living,” isang paligsahan sa pagdidisenyo para sa mga mag-aaral na nasa ikalawa at ikatlong taon ng College of Fine Arts and Design (CFAD), kasabay ng groundbreaking sa Magister Suites 1 condominium para sa mga empleyado ng UST sa G. M. Tolentino Street noong Hulyo 30.

Bagong mga dula

BIBIGYANG buhay ng Teatro Tomasino, opisyal na dulaang pantanghalan ng Unibersidad, ang “Karugtong,” isang koleksyon ng tatlong one-act play sa susunod na buwan.

Mula sa panulat ni Jose Victor Torres, junior associate ng UST Center for Creative Writing and Studies, ipamamalas nito ang mga indibidwal na kuwento ng mga tauhan sa kontrobersyal na nobelang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” ni Jose Rizal sa pamamagitan ng mga yugto nitong “Senyor-Senyora,” “Ang Huling Panauhin,” at “Resureksyon.”

‘Dagdag-dunong’ sa Archi, pinasinayaan

UPANG matulungan ang mga estudyante ng kolehiyo sa kanilang pag-aaral ng arkitektura, sinimulan ng College of Architecture Student Council (CASC) ang isang libreng supplementary learning program noong Agosto 16 sa conference hall ng Beato Angelico Building.

Ayon kay Isagani Espeleta, pangulo ng CASC, inaasahan ng student council na matutugunan kahit papaano ng “Big Bro, Big Sis” ang mga kakulangan sa pangunahing kaalaman sa architecture na hindi natutugunan sa loob ng silid-aralan.

Wika sa saliw ng musika

MAGKAAGAPAY ang awit at wika sa pagbuo ng pagkakakilanlan ng kulturang Filipino.

Maihahalintulad sa kaluluwa ng isang tao ang ugnayan ng dalawa kahit masalimuot at hindi eksaktong maipapaliwanag ang kahulugan nito. Bunga nito, mauuwi lamang sa mahabang pag-aaral at diskurso ang anumang usaping nahihinggil dito.

Islam, ipinagtanggol

IDENTITY crisis ang dahilan sa pagkakadawit ng mga Muslim sa terorismo, ayon kay P. Emilio Platti, O.P., propesor ng Islam Christianity sa Catholic Institute sa Pransya, sa diskursong “Islam Today” noong Agosto 11 sa Martyrs’ Hall ng UST Ecclesiastical Faculties.

“There is a contradiction between prayer and ‘jihad,’ with Moslem militants engaging in war. And because of this crisis in identity, Moslems are being linked to terrorism,” ani P. Platti.

Alternatibong medisina sa perspektibong Tomasino

Kaya ng katawan ng tao na pagalingin ang sarili. Ito ang nangingibabaw na konsepto sa lahat ng uri ng alternatibong medisina, isang lumalaganap na pamamaraan ng panggagamot sa panahong patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa botika at sinasaklaw na pagpili ng mga natural na pamamaraan ng panggagamot na naiiba sa conventional o western medicine.

Holistic medicine isinusulong

ANO BA’NG mayroon sa mga Pilipinong doktor at nars kung bakit patuloy ang pagtangkilik ng ibang bansa sa kanila?

Maraming nagsasabi na dala ng katangian ng mga Pilipino sa pagsasagawa ng mediko ang penomenang ito kung saan “hindi lamang agham kundi sining ang paggagamot.”

Naniniwala si Dr. Irene Yu-Maglonzo, isang propesor sa departamento ng Preventive Family and Community Medicine sa Faculty of Medicine and Surgery na hindi lang health care provider ang manggagamot, kundi isa ring guro, mananaliksik, “social mobilizer,” at tagapangasiwa.

Oriental medicine sa UST

Minsan nang nagbalak ang Faculty of Medicine and Surgery na magtayo ng ospital para sa pagtataguyod ng oriental medicine.

Ayon kay Dr. Ramon Sin, dating dekano ng Faculty, inimbitahan ng ambasador ng South Korea ang Unibersidad noong 1997 na magtayo ng isang ospital sa Cavite, kaagapay ng Kyung Hee University, na magtataguyod ng acupuncture, herbal medicine, at iba pang medisinang alternatibo.

LATEST