BILANG pag-alala sa dating Pangulong Manuel Quezon na tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa,” inilunsad ng Heritage Institute Center ang exhibit ng kanyang mga natatanging larawan sa bulwagan ng UST Central Library noong Agosto 19.

Tampok sa exhibit ang ilang mga eksena sa buhay ni Quezon, alumnus ng UST Faculty of Civil Law, noong panahon ng kanyang Commonwealth Government at mga piling personal na larawang mula pa sa filipiniana collection ni Nestor Vera Cruz.

“The pictures here are worth a thousand words,” ani Manuel Quezon III, apo ni Quezon, ukol sa serbisyong iginawad ng kaniyang lolo sa bansa.

Inilunsad din sa okasyon ang record album ng talumpati ni Quezon na “Mi mensaje a mi pueblo” (Ang aking mensahe sa aking mga mamamayan).

Bukod kay Quezon III, dumalo rin sa exhibit si Nina Quezon-Avanceña, isa sa anak ng pangulo. Mary Elaine V. Gonda

READ
Science, Engineeering students dominate BPI-DOST awards

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.