Pormal na binuksan ang “Stylish Comfort for Community Living,” isang paligsahan sa pagdidisenyo para sa mga mag-aaral na nasa ikalawa at ikatlong taon ng College of Fine Arts and Design (CFAD), kasabay ng groundbreaking sa Magister Suites 1 condominium para sa mga empleyado ng UST sa G. M. Tolentino Street noong Hulyo 30.
Binubuo ang timpalak ng limang kategorya: studio-type unit, one-bedroom unit, two-bedroom unit, loft units for the amenities floors, at merged units na pagbabasehan ng kanilang disenyo. Kinakailangan ding psychologically at environmentally sound para sa mga magiging may-ari ang mungkahing mga condominium units.
Magkakaroon ng pagkakatong maisagawa ng mga mananalo ang kanilang mga disenyo bilang premyo, bukod sa plaque, certificate, at “espesyal na regalo.”
Magsisimula ang pagpapasa ng disenyo sa unang linggo ng Setyembre at inaasahang magtatapos sa buwan ding iyon. J.R.T. Cabangcalan at M.E.V. Gonda