UPANG matulungan ang mga estudyante ng kolehiyo sa kanilang pag-aaral ng arkitektura, sinimulan ng College of Architecture Student Council (CASC) ang isang libreng supplementary learning program noong Agosto 16 sa conference hall ng Beato Angelico Building.

Ayon kay Isagani Espeleta, pangulo ng CASC, inaasahan ng student council na matutugunan kahit papaano ng “Big Bro, Big Sis” ang mga kakulangan sa pangunahing kaalaman sa architecture na hindi natutugunan sa loob ng silid-aralan.

Itinakda ng student council tuwing Lunes ang pagtuturo sa mga estudyante. Ngunit ayon kay Espeleta, kailangang makapagparehistro muna sila bago makapunta sa naturang “klase.”

Bukod sa pagtuturo ng asignaturang matematika, pisika, at architectural at engineering science, ituturo rin ang paggamit ng Adobe Pagemaker at Photoshop, graphics at visual technology sa mga susunod pang araw ng programa.

Inaasahang magtatagal ang libreng pag-aaral hanggang sa dulo ng unang semestre, ngunit maaari pa itong magtuluy-tuloy hanggang sa susunod na taon kapag maganda ang resulta, ayon kay Espeleta. Mary Elaine V. Gonda

READ
Thomasian education on wheels

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.