BIBIGYANG buhay ng Teatro Tomasino, opisyal na dulaang pantanghalan ng Unibersidad, ang “Karugtong,” isang koleksyon ng tatlong one-act play sa susunod na buwan.
Mula sa panulat ni Jose Victor Torres, junior associate ng UST Center for Creative Writing and Studies, ipamamalas nito ang mga indibidwal na kuwento ng mga tauhan sa kontrobersyal na nobelang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” ni Jose Rizal sa pamamagitan ng mga yugto nitong “Senyor-Senyora,” “Ang Huling Panauhin,” at “Resureksyon.”
Magsisilbing ikapito ang dula sa pagtatanghal ng grupo ng mga laboratory play exercise para sa mga bago nilang kasapi sa ilalim ng direksyon nina Gervin Macion na nasa ikalawang taon ng kursong Secondary Education, Czarina Mae Cabuyadao na nasa ikalawang taon ng kursong Communication Arts, at si John Joseph Santos na nasa ikaapat na taon ng kursong Nursing. Mary Elaine V. Gonda
my tatlong dula na chapter