Sunday, April 14, 2024

Tag: Agosto 18, 2006

Unang freshmen batch, negatibo sa drug test

NEGATIBO ang lahat ng resulta ng 6,034 Tomasinong sumailalim sa mandatory drug testing, mula Hulyo 21 hanggang Agosto 8.

Pawang nasa unang taon ang mga estudyanteng ito na nagmula sa Alfredo M. Velayo College of Accountancy, College of Architecture, College of Fine Arts and Design, College of Science, College of Education, Faculty of Pharmacy at Faculty of Engineering. Susunod na ang mga freshmen sa mga kolehiyo ng Nursing, Rehabilation Science, at Commerce, at sa mga fakultad ng Arts and Letters, Civil Law, at Medicine and Surgery.

UST, nanguna sa Pharmacy at Nutrition board exams exams

UMARANGKADA ang UST sa nagdaang Pharmacy licensure examination noong Hulyo 4 at 5, at sa Nutrition and Dietetics licensure exam noong Hulyo 13 at 14.

Sa Pharmacy examinations, nakuha ni Sharlene Marie Lao, na may 90.3 porsiyentong marka, ang unang puwesto.Kasalukuyang freshman sa Faculty of Medicine and Surgery si Lao.

“Nakatulong sa akin ang mas pinaagang review course na ibinigay ng UST noong nakaraang semestre,” ani Lao.

‘Siyasatin ang dayaan’

HINILING ng UST College of Nursing kay Presidente Macapagal-Arroyo na bumuo ng isang independent board of inquiry na masusing mag-iimbestiga sa mga taong maaaring sangkot sa leakage ng mga sagot sa nursing board exams noong Hunyo 11 hanggang 12.

Sa isang pahayag noong Agosto 11, sinabi ng Faculty Association of the College of Nursing (Facon) na bubuuin ang board ng mga kilala at respetadong tao sa propesyong narsing.

Nais ng Facon na magrekomenda ang mga bubuo sa board ng mga paraan upang hindi na maulit ang iskandalong nangyari.

Infant milk formula, bawal nang ipatalastas

MATAGAL nang inaakalang tanging sa wikang Ingles lamang may mga salitang pangkompiyuter. Hindi na ngayon.

Maaari nang gamitin ang Filipino bilang wikang pangteknolohiya dahil sa pagtatangka ng ating pamahalaan at ng mga pribadong grupo na maiakma ang wikang Filipino sa mundo ng Internet.

Tagapanguna ng Informatics

SA EDAD na 42, malaking kontribusyon na ang naibigay ng Tomasinong si Leonardo Riingen sa pagsulong ng information technology (IT) sa bansa. Siya ang utak sa likod ng Informatics Computer Institute, isa sa pinakamalaking eskuwelahan ng IT sa Pilipinas.

Labingtatlong taon na ang nakaraan ng itinayo ni Riingen, kasalukuyang pangulo at chief executive officer ng Informatics-Philippines, ang unang kampus nito sa SM Megamall, sa kabila ng maraming kritisismo.

Sa hardin ni Dr. Grecebio Jonathan Alejandro

HINDI biro ang pagbibigay ng pangalan sa mga bagong tuklas na halaman. Kailangang sumailalim ang mga ito sa masusing pagsusuri upang tiyaking nababagay ang pangalang ibibigay sa kanyang deoxyribonucleic acid (DNA) sequence o ang pagkakasunod ng kemikal na bumubuo ng DNA.

Parola: Gabay ng kasaysayan

TRESE anyos lamang si Manuel Noche del Castillo nang una siyang mabighani sa Faro de Cabo Bojeador, isang lighthouse o “farola” sa Burgos, Ilocos Norte. Mula noon, lumalim ang interes ni Noche sa mga farola hanggang marating niya ang 23 iba pa na matayog pa ring nakatayo at gumagabay sa manlalayag.

Pag-alala sa kulturang Pilipino

HABANG lumalaki ang interes ng mga Pilipino sa teknolohiya at makabagong kagamitan, unti-unting napapabayaan ang heritage sites na nagdala sa atin noon ng dangal at pagtatangi. Bilang mga Pilipino, responsibilidad natin na alagaan ang heritage sites na ito na sumasalamin sa mayamang kultura at kasaysayan natin.

Heritage conservation ang naging tema ng simposyum ng United Architects of the Philippines (UAP) Kalayaan-100 Chapter kasama ang UAP Student Auxiliary-U ST noong Hulyo 20 sa audio-visual room ng Beato Angelico Bldg.

Salamin ng makabagong Pilipino

KULTURA, karanasan at katangian ng makabagong Pilipino. Ito ang tema ng mga pelikulang kalahok sa ikalawang Cinemalaya Independent Film Festival na idinaos noong Hulyo 17 hanggang 23 sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas.

Sinimulan noong 2005, nakilala ang Cinemalaya sa pagpapalabas ng mga de-kalibreng pelikulang tumatalakay sa mga isyu at temang hindi pangkaraniwan. Dalawa sa mga pelikulang produkto ng Cinemalaya na kinilala ng iba’t ibang gawad parangal sa ibang bansa ang Kubrador at Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros.

Dugong ng malayang Tomasino

BUKOD kay Dado Lumibao na lumikha ng full-length film na In Da Red Korner, dalawa pang alumni ng Faculty of Arts and Letters ang nagpamalas ng angking talino sa katatapos na Cinemalaya Independent Film Festival para sa kategorya ng maikling pelikula.

LATEST