Thursday, September 12, 2024

Tag: Agosto 18, 2006

Lulong sa pekeng gamot

MULA nang nadiskubre ang gamot, lubos na itong nakatulong sa tao na kalabanin ang iba’t-ibang sakit.

Subalit sa paglaganap ng mga peke o counterfeit na gamot, imbes na mapaginhawa ang taong maysakit na umiinom nito, kabaligtaran ang nangyayari. Lalo pang lumalala ang kanyang kalagayan o kung mas grabe pa ang epekto ng pekeng gamot, maari pang mamatay ang umiinom nito.

Makialam ka, Tomasino

SA LOOB ng 78 taon, nagkaroon ng isang lugar ang mga Tomasino upang maipahayag ang kanilang mga saloobin at masaksihan ang bawat tagumpay at kabiguan ng mga kapwa nila mag-aaral at ng mga alumni ng ating Unibersidad. Ito ang Varsitarian.

Bilang opisyal na pahayagan ng UST, naniniwala ako na hindi pa rin nagagamit ang ating student publication sa lubos nitong potensyal.

Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

KUNG may lingua franca man ang mga Pilipino, hindi raw ito Ingles o Filipino kundi Taglish. Ito ang obserbasyon ng mga taga-Kanluran, magmula Wikipedia hanggang Varieties of English Around the World ni Roger Thompson. Taglish daw ang talagang salita natin. Makipag-usap ka sa isang Pinoy at hindi ito mapapabulaanan.

Ang nawawalang payong, puno

Maulan na alas-siete ng gabi nang pumasok ako sa Central Library para humiram ng aklat. Gaya ng nakaugalian, iniwan ko ang aking payong sa lalagyan na nakapuwesto sa lobby ng gusali. Tatlumpung minuto lang ang nagdaan, lumabas ako sa library at nawala na ang aking payong.

Dayaan at komersyalismo

NAGMISTULANG susi ang napabalitang pandaraya sa nursing licensure exams noong Hunyo para lumitaw ang mukha ng nakapanlulumong kalidad ng nursing education sa bansa. Sa kagustuhan ng ilang estudyante na walang kumpiyansa sa edukasyong nakuha nila sa apat na taong pag-aaral, nandaya sila. Hindi makapasa kaya hinustong “doktorin” ang sagot.

Gaya nga ng inaasahan, lumabas sa masusing pag-iimbestiga ng PRC na nagmula ang mga leak sa dalawang matataas na opisyal ng Board of Nursing. Ibang klaseng nursing aide ang ipinalaganap—aide sa nursing exam.

Taguan at kamatayan

SINONG batang Pinoy ang hindi dumaan sa paglalaro ng taguan-pung? Bagaman isa itong sikat na larong pambata, hindi maituturing na pambatang babasahin ang Taguan-Pung at Manwal ng mga Napapagal (UST Publishing House, 2006) ni Eros S. Atalia, isang propesor sa Filipino sa Faculty of Arts and Letters. Tinatalakay nito ang mga morbid na isyu gaya ng pagpapakamatay.

Maktud: Ang nakatakda kong kapalaran

MAKALIPAS ang mahigit dalawang oras na biyahe sa malubak na kalsada ng Sharrif Aguak patungong Cotabato at isang oras at kalahati naman lulan ng eroplano, narating ko rin ang Maynila, ang unang hakbang sa pagtupad ng aking mga pangarap. Totoo nga ang sinabi ng kababata kong si Dhali na kamangha-mangha ang ganda ng Maynila—ang malalaking gusali, ang patag na kalsada at makabagong teknolohiya.

Sisidlan

Minsan mong sinabi, aming guro

na mistulang

cola na mula sa butas na

bote ang ating wika—

malaya kung umagos.

Gaya ng agarang pagsalin ng softdrink sa baso,

inilagay mo sa aming uhaw na isipan

ang iyong punto’t salita

sa pagnanais na ito’y aming matikman

at malasap ng pilipit naming dila,

kasabay ang pagdaloy ng

salaysay at kahulugan mula

sa iba’t ibang lugar at panahon.

Ngunit ngayon, aming guro,

Ang hubad na katotohanan

SA MATA ng mga mananakop, simbolo ng kawalan ng sibilisasyon ang ladlad na dibdib ng mga Pilipinang katutubo. Ngunit sapat ba itong dahilan upang sakupin ang ating bansa at samantalahin ang hubad na katawan ng mga primitibo?

Ilan ito sa mga puntong tinalakay sa ikalawang bahagi ng serye ng lektura ng mga Filipino-American na manunulat at iskolar noong Hulyo 27 sa UST Library Conference Hall. Inihandog ito ng Department of Languages, Literature and Philosophy, Department of Humanities, Arts and Letters Literature Society, at ng Varsitarian.

Hudyat ng National ID system

HINDI pa man naipapasa sa Kongreso ang batas na magpapatupad sa plano ni Pangulong Arroyo na magkaroon ng National Identification (ID) System, marami nang kuro-kuro ang lumilitaw ukol sa maaaring maging epekto nito. Makabubuti ba ito dahil mapapadali ang pagsugpo sa krimen, o makakasama dahil maaari nitong panghimasukan ang pribadong buhay ng mga Pilipino?

Ang Legalidad ng EO 420

LATEST