Thursday, September 12, 2024

Tag: Agosto 18, 2006

Magnanakaw, nahuli sa loob ng UST

DINAKIP ng UST security guards ang isang magnanakaw sa tapat ng Engineering pedestrian gate noong Hulyo 21, matapos niyang nakawin ang bag ng isang Tomasino sa loob ng Unibersidad.

Kinilala ng UST Safety and Security Services (UST-SSS) ang inarestong 25 anyos na suspek na si Jefferson Olivar, residente ng Mt. Halili Street sa Sampaloc, Manila.

Freshmen, sinalubong

MALA-HARVARD ang pagsalubong ng Unibersidad sa bago nitong mga mag-aaral sa ginanap na Thomasian Welcome Walk noong Hulyo 21 sa Plaza Benavidez.

Ginanap ang masiglang pagtawid sa Arch of the Centuries ng mga mag-aaral dala ang kani-kanilang mga lobo at hand-held props na taglay ang opisyal na kulay ng kanilang kolehiyo. Ginawa ang engrandeng pagsalubong sa pangunguna ng Office of the Secretary General at ng Public Affairs and Alumni Office.

Patakaran sa parking, kinuwestiyon

NAGREKLAMO ang ilang mga estudyante hinggil sa hindi umanong makatwirang sistema ng pagpaparada ng sasakyan sa loob ng Unibersidad.

Sa isang petisyon na inihain ng Thomasian Student Driver’s Organization (THOSDA) sa opisina ni Vice Rector for Finance, sinabi ni Christer James Ray Gaudiano, presidente ng THOSDA, na dahil sa patuloy na konstruksiyon sa loob ng Unibersidad, nawalan na ng lugar kung saan maaring iparada ng mga estudyante ang kani-kanilang sasakyan.

Natural na pagpaplano ng pamilya, isinulong

HABANG nakabinbin pa sa Kongreso ang ilang panukalang batas na may kinalaman sa artipisyal na kontrasepsiyon, isusulong ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) ang natural family planning (NFP) bilang pagdiriwang sa Family Planning Month ngayong Agosto.

Ayon kay Emma Ferrer, health education promotion officer ng DOH, pasisimulan nila ang isang malawakang promosyon ng tatlong-taong pagitan sa panganganak ng mga ina gamit ang NFP.

Tomasino, tinanghal na Outstanding Student

ISANG alumnus ng College of Architecture ang kinilala ni Pangulong Macapagal-Arroyo bilang isa sa Ten Outstanding Students of the Philippines (TOSP) noong ika-14 ng Hulyo sa palasyo ng Malacañang.

Si Michael Vincent Uy, cum laude ng Architecture ngayong 2006, ang isa sa sampung nangibabaw sa 225 estudyanteng inilahok ng iba’t ibang eskuwela sa buong bansa dahil sa kanyang “exemplary leadership skills” noong estudyante pa lamang siya.

Wikang Filipino sa kompiyuter

MATAGAL nang inaakalang tanging sa wikang Ingles lamang may mga salitang pangkompiyuter. Hindi na ngayon.

Maaari nang gamitin ang Filipino bilang wikang pangteknolohiya dahil sa pagtatangka ng ating pamahalaan at ng mga pribadong grupo na maiakma ang wikang Filipino sa mundo ng Internet.

LATEST