Thursday, September 12, 2024

Tag: Agosto 18, 2006

Komunyon ng ekonomiya, tinalakay

SA ISANG mundong dinidiktahan ng kapitalismo, paano nga ba maipapalaganap ang diwa ng pagbabahaginan kung puro pansariling interes ng mga negosyante ang naghahari sa ekonomiya?

Economy of communion ang sagot, ayon kay Prop. Luigino Bruni ng Unibersidad ng Milan-Bicoca, sa isang talakayan noong Hulyo 19 sa Thomas Aquinas Research Complex. Kung kusang-loob na hahatiin ang kita ng negosyante para sa mga kapus-palad, sa kumpanya at sa Simbahan, aniya, hindi lamang maiaangat ang pamumuhay ng mga tao kundi pati din ang industriya at antas ng kaligayahan.

Pito-Pitong Pangarap

MULA SA maliit na komunidad ng Bagong Silang sa Caloocan, umusbong ang pangarap ng Gawad Kalinga (GK), isang programa ng Couples for Christ na naglalayong magtayo ng mga tahanan para sa mga nangangailangan, sa adhikaing GK 777 o 700,000 kabahayan sa 7,000 komunidad sa loob ng pitong taon.

Humigit-kumulang 20,000 tahanan na ang naipatayo ng GK sa halos 800 komunidad sa iba’t ibang parte ng bansa simula nang maitatag ito noong Oktubre 2003, ayon kay Antonio Meloto, executive producer at tinaguriang ama ng GK.

Sugal ng buhay

HANGAD ng lahat ng tao ang kaginhawahan. Ngunit minsan, sa kagustuhang makamit ito, nagagawang kumapit ng iba sa pagsusugal.

Umikot sa katotohanang ito ang mundo ng isang inang kubrador, na siyang pamagat ng pelikula ni Jeffrey Jeturian. Hindi pa man isinasalang sa mas malalaking sinehan sa Maynila, umani na ang Kubrador ng parangal mula sa New Delhi International Film Festival at Moscow International Film Festival.

Lupang pinako

“Hindi nakita ng mata, at hindi narinig ng tainga, at hindi sumagi sa puso ng tao ang mga bagay na inihanda ng Diyos sa mga umiibig sa Kanya.” – 1 Corinto 2:9

TILA napakadali para sa akin ang pagdudahan ang Diyos.

Kahit Katoliko ako, may pagkakataong nagdadalawang-isip ako kung totoong nariyan Siya at nakikinig sa mga panalangin ko, lalo na nang mabigo ang aking dasal na makalipat ang aming pamilya sa Canada.

Ang buhay sa pokus ng kamera

SINONG magsasabing hindi patok sa kabataan ang pro-life movement?

Pinatunayan ng mga estudyanteng kalahok sa pinakaunang patimpalak pampelikula ng Pro-Life Philippines, na binansagang “Life, Camera, Action!,” ang kanilang pakikiisa sa laban upang protektahan ang buhay. Konsepto ni Deni Rose Afinidad, dating manunulat sa Filipino ng Varsitarian at Journalism alumna ng Arts and Letters, ang patimpalak.

‘Ladies first’

ALAM ba ninyong mas naunang itinatag ni Sto. Domingo de Guzman ang kongregasyon ng mga babaeng mongheng Dominikano kaysa sa orden ng mga pari?

Itinatag ni Sto. Domingo ang Sisters of Prouilhe sa bayan ng Prouilhe, Pransiya noong 1206 bago pa itayo ang monasteryo ng Order of Preachers sa bayan ng Toulouse noong 1215.

Nitong Pebrero pinagdiwang ang ika-800 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng unang monasteryo para sa mga unang Dominikanong madre.

Alagad ng Diyos sa wika

BANYAGA man sa bansa ang mga misyonerong prayle, hindi naging hadlang sa iba ang kinalakihang salita sa paglinang nila ng wikang Filipino. Ang paghahangad na maikalat ang mabuting balita sa ating wika ang nagbukas ng pinto para sa pag-unlad ng wikang Filipino.

Kahit sa kanyang pagpanaw noong ika-19 ng Nobyembre 2004, kinikilala si Fr. Excelso Garcia, O.P., isang Kastila, sa kanyang mga akdang nagsilbing gabay sa misa ng mga Katolikong Pilipino.

Pluma at dila

KILALA ang mga Tomasino mula noon hanggang ngayon sa pag-unlad ng ating wika at panitikan. Gamit ang kapangyarihan ng pluma at dila, inangat nila ang wikang Filipino sa antas na maaaring maipagmalaki sa buong mundo at makapagpabago ng lipunan.

Jose Rizal: Doktor ng mga panitik

Kilala si Rizal sa mga akdang nakasulat sa wikang Kastila, ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami, sumulat din siya ng mga tula sa Tagalog.

Wikang Filipino: Kumusta na?

MARAMI ang nahihirapan sa paggamit ng purong Filipino lalo na pagdating sa pag-angkop ng mga teknikal na ideya at salitang hiram mula sa Ingles. Bagaman umuunlad ang wikang Filipino sa pagdami ng mga akdang nasusulat dito, nananatili pa ring problema ang istandardisasyon nito at ang pangingibabaw ng wikang Ingles na lumalabas maging sa paggamit ng Taglish o paghalo ng Filipino at Ingles.

Istambay na Istandardisasyon

Stereotype

MALAKING impluwensya ang mga pagbansag o pag-stereotype ng mga bagay-bagay sa desisyon ng isang indibidwal. Kahit hindi pa ito napapatunayan, nagmumukhang totoo ang mga pagbansag na ito dahil sa paulit-ulit itong sinasabi.

Maraming bagay ang na-stereotype dahil sa mabababaw na basehan lamang. Ang pagiging Bisaya ang klasikong halimbawa.

Sa mga palabas sa TV, patalastas, o kahit mga dramang pan-radyo, walang palya ang pagpapata wa sa puntong Bisaya. Pero ano bang nakakatawa sa pagiging Bisaya?

LATEST